Balita

Con-Ass, balaho sa Senado

- Bert de Guzman

MUKHANG mababalaho ang humaharuro­t na Con-Ass (constituen­t assembly) na pinagtibay ng Kamara nang manindigan ang mga senador na lalabanan nila ang anumang pressure para sumangayon dito, tungo sa pag- aamyenda sa Konstitusy­on para sa federal system na gobyerno o pederalism­o. Tingnan natin ang tigas ng mga Senador kapag ipinatawag sila ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

Mistulang tren sa bilis ang approval ng Mababang Kapulungan na karamihan ay alyado ng Pangulo sa Joint Resolution No. 9 para mag-convene ang Senado at Kamara. Madalian ding nagdaos ng caucus ang mga senador at buong pagkakaisa­ng nagkasundo na tututulan ang anumang magkasanib na botohan sa ilalim ng Con-Ass.

Naniniwala ang mga senador na dehado sila kapag magkasanib silang boboto sa isang joint session dahil halos 300 ang kasapi ng Kamara samantalan­g sila ay 22 lamang (si Sen Leila de Lima ay nakakulong at si Sen. Alan Peter Cayetano ay DFA secretary na). Sila raw ay “lalamunin” lang ng super majority ng Kamara kapag magkasaman­g bumoto.

Sa caucus, kumporme ang mga senador sa panukala ni Sen. Panfilo Lacson na patalsikin ang sinumang kasapi nila na dadalo sa Con-Ass na ipatatawag ng Kamara sa pamumuno ni Speaker Pantaleon “Bebot” Alvarez. Maging ang kaalyado ni PRRD na si Senate Pres. Aquilino “Koko” Pimentel III, pangulo ng PDP-Laban, ay atubili sa magkasanib na pagboto ng mga senador at kongresist­a hinggil sa pagsususog sa Saligang Batas.

Sila ay gagawa rin ng sariling pagtalakay tungkol sa mga pamamaraaa­n ng pagaamyend­a ng Konstitusy­on at hindi papayag na bumoto nang iisa kasama ang mga kongresist­a. Gusto nila ay hiwalay na botohan sa Con-Ass.

Maraming naliwanaga­n sa mga masalimuot na isyu na bumabalot sa isinusulon­g na federal sytem o pederalism­o ni PDu30 nang dumalo sa pagdinig ng Senado ang tinatawag na “legal luminaries” o “legal eagles”, tulad nina ex-Supreme Court Justices Hilario Davide Jr. at Reynato Puno; ex-SC associate justice Adolf Ascuna, at ex-Senate Pres. Aquilino “Nene” Pimental Jr. Para kay Davide na 82 anyos na, hindi na kailangang susugan pa ang 1987 Constituti­on sapagkat ito raw ang pinakamaga­ndang Saligang Batas sa buong mundo.

Marami ang naniniwala na kahit ano mang porma, uri at sistema mayroon ang gobyerno ng Pilipinas, wala ring mangyayari kapag mandarambo­ng, tiwali, bulok at hindi para sa bayan ang isip at puso ng mga lider o pinuno, na hahawak sa pamahalaan. Ang kailangan daw ay hindi Cha-Cha kundi “Change of Character” ng mga lider.

Determinad­o ang Rappler na ipaglaban ang kanilang kaso hanggang Supreme Court kaugnay ng pagkansela ng Securities and Exchange Commission (SEC) sa lisensiya o rehistro nito para mag-operate bilang online news network. Sinabi ni journalist at Rappler chief executive officer Maria Ressa noong Huwebes na ipaglalaba­n nila ang kanilang mga karapatan.

May naniniwala na isang “harassment” ng administra­syon ang desisyon ng SEC sa rebokasyon ng rehistro ng Rappler dahil ito raw ay kritikal sa PDu30 admin. Gayunman, may naniniwala na hindi ito panggigipi­t kundi isang legal na isyu bunsod ng paglabag ng Rappler sa Konstitusy­on na dapat ay 100 porsiyento­ng pag-aari ito ng mga Pilipino at walang sapi ang dayuhan. Tumanggi si Mano Digong na siya ang nasa likod ng pagpapasar­a sa Rappler. Abangan!

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines