Balita

Ika-46 na labas

-

MAGNOBYO

na nga sina Pedring at Lagring. Maligayang­maligaya si Pedring. Naiisip niya, marahil ay nakatulong din ang paninilong niya. Kung hindi, baka napatagal pa ang pagsagot ni Lagring.

“Bakit ba hindi ko aamin na natulungan ka ng kababuyan mo,” sabi ni Lagring. “Pa’no, wala na akong maitatago sa’yo. Hayup ka talaga. Maisip ko lang kung sa pa’nong itsura mo ako nakita, kinikilabu­tan na ako!”

“Di ba kawikaan…hindi ko naman makukuha?” Nang-aasar pa yata siya.

“Hoy, h’wag kang mag-ilusyon. Hindi mo ‘to makukuha.”

“Kung kasal na tayo, pwede bang hindi mo ‘yan ibigay?”

Kibit-balikat si Lagring. “H’wag kang kakasiguro…”

“Magnobyo tayo. Siyempre dadating ang araw na pakakasal tayo. Kung kasal na tayo makakatang­gi ka pa ba?”

“Kung walang manliligaw sa aking mayaman.” Tawa ng malakas si Lagring.

Parang minaso ang dibdib ni Pedring. Kahit pabiro ang himig ng pagsasalit­a ni Lagring, aywan ba kung bakit kaysakit ng dating sa kanya niyon!

“S-sabihin mong n-nagbibiro ka lang, Lagring.”

Lalong lumakas ang tawa ni Lagring. “’Tong si Lolo Pedring…May mayaman ba dito sa Mauwak?” “E, kung may manligaw?” “E, di swerte ni Lagring at malas ni Lolo Pedring.” Tuloy ang malakas na tawa ni Lagring.

Hindi siya nahawa sa pagbibiro ni Lagring. Hindi niya iyon itinago kay Lagring. Markado sa kanyang mukha ang matinding sama ng kanyang loo. “Galit ka ba, Pedring?” “Mahal na mahal lang kasi kita, Lagring!” “Nalunod ka sa biro ko?” “Pa’no kasi, mula’t sapul, pangarap mo nang yumaman? E, kung may maligaw ngang mayaman dito at lumigaw sayo?”

Tuloy ang pagbibiro ni Lagring. Na sineryoso naman niya. Aywan ba kung bakit parang nakikiniki­nita niyang mangyayari nga ang kinatataku­tan niya.

Hindi makalimuta­n ni Pedring ang pag-uusap nilang iyon ni Lagring. Palaging umaaalinga­wngaw sa taynga niya. Pag may naligaw na mayaman dito, swerte ni Lagring at malas ni Pedring!

“Pakasal na tayo ngayon!” Ang kausap ni Pedring ay ang litrato ni Lagring.

Pero alam niya, malayong mangyari iyon sa ngayon. Inuulit-ulit ni Lagring: Napakabata pa natin. Pareho lang silang labimpiton­g taon.

NANGYARI ang isang wari ay kababalagh­an.

May tipanan sila ni Lagring. Magkikita sila sa kubo sa bukid. “Sarili natin ang kubong iyon,” aniya. Ang nasa isip niyang hindi naman niya sinabi: “Kelangang may mangyari sa atin para makasal na tayo. Hindi ako makapapaya­g na may umagaw pa sayo.

Sumusugod na siya patungo sa bukid sa kung saan naroon ang kubo nna lugar ng kanilang tipanan.

Palapit siya sa kubo, nawala ata ang pag-asang daratnan niya ang nobya. Kung naroon si Lagring, bakit walang ilaw? Nasa kanya na ang pagaalinla­ngan. Di ba ayaw ni Lagring na pakasal sa kanya sa dahilang mga bata pa sila? BAkit makikipagt­ipan sa kanya si Lagring sa ulilang kubo ng sila lang dalawa?

Nakalapit siya sa kubo. Madilim, mukhang walang tao ang kubo.

“Bakit mo ako niloko, Lagring? Napalakas ang kanyang pag-iisip.

Itutuloy...

 ??  ??
 ?? R.V. VILLANUEVA ??
R.V. VILLANUEVA

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines