Balita

Ph fighter, wagi sa WBC Asian title

-

THAILAND (PNA) – Dalawang beses na pinatumba ni Filipino journeyman Edison “Kamatis” Berwela ang karibal na si Thiranan Matsali ng Thailand tungo sa 6th round knockout win at angkinin ang bakanteng WBC Asian Boxing Council bantamweig­ht title nitong Biyernes sa Pathum Thani.

Unang pinaluhod ng 34-anyos na si Berwela ang karibal sa ikatlong round, bago inulit sa kaagahan ng ikaanim na round tungo sa impresibon­g panalo at ipalasap kay Matsali, dating IBF Pan Pacific at WBC Asian Boxing Council Silver bantamweig­ht champion, ang unang kabiguan sa pro career.

Kilala bilang Saenganan Sithsaitho­ng, bagsak ang Thai star sa 19- 1 marka, habang nahila ni Berwela ang marka sa 16 panalo sa 37 laban.

Galing si Berwela sa unanimous decision na kabiguan kay PABA super bantamweig­ht champion Anurak Thisa noong Agosto 31 sa Bangkok University, Thonburi Campus sa Bangkok.

“Masayang masaya po ako at nag-champion ulit ako,” pahayag ni Berwela.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines