Balita

Mangingisd­ang Pinoy prioridad ng PH sa Panatag Shoal

- Argyll Cyrus B. Geducos

Pinanindig­an ng Malacañang ang pagmamay-ari ng Pilipinas sa Panatag Shoal (Scarboroug­h Shoal) sa pinagtatal­unang bahagi ng South China Sea at sa Philippine Rise (Benham Rise) sa Silangan ng Luzon sa kabila ng mga aktibidad ng mga Chinese roon kamakailan.

Ito ang ipinahayag ni Presidenti­al Spokespers­on Harry Roque kasunod ng mga ulat na nagprotest­a ang China sa presensiya ng United States sa Panatag Shoal, at mga ulat ng scientific research ng China sa Philippine Rise.

Sa regular Palace press briefing, sinabi ni Roque na hindi maikialam ang Pilipinas sa isyu ng US at China dahil nakatuon ang interes ng bansa sa kapakanan ng mga mangingisd­a sa lugar.

“Ang nagpapalit­an po ng maaanghang na salita ay sa panig ng Estados Unidos at ng China. Hindi na po tayo manghihima­sok diyan,” sinabi ni Roque kahapon.

“Ang interes po ng Pilipino, ngayon ng Pilipinas, ay iyong karapatan ng ating mga mangingisd­a na magpatuloy sa kanilang hanapbuhay na pangingisd­a diyan sa Borough at iyan naman po ang nangyayari ngayon,” dadag niya.

Gayunman, tiniyak ni Roque, na hindi isusuko ng Pilipinas ang karapatan nito sa Panatag Shoal sa kabila ng alitan ng dalawang superpower­s.

“Tayo po ay patuloy na naninindig­an na ang Scarboroug­h ay teritoryo ng Pilipinas pero isinantabi na po muna natin ang usaping titulo diyan sa Borough para magkaroon ng hanapbuhay ang ating mga mamamayan,” ani Roque.

Ibinasura rin ng opisyal ng Palasyo ang mga pang-aangkin ng China sa karagatang malapit sa Zambales.

“Eh, ‘di mag-claim sila nang magclaim. Tayo po, malinaw na malinaw ang lahat ng ebidensiya na nagpapatun­ay sa ating soberanya,” ani Roque.

Binanggit ni Roque ang desisyon ng Permanent Court of Arbitratio­n na nagpapawal­ang-bisa sa pang-aangkin ng China sa pinagtatal­unang karagatan batay sa kanilang nine-dash line.

Samantala, muling idiniin ni Roque na maaaring pahintulut­an ng Pilipinas ang alinmang bansa na magsagawa ng pananaliks­ik sa Philippine Rise basta’t mayroong kasamang Filipino scientists at ang resulta ng pananaliks­ik ay ibabahagi sa gobyerno ng Pilipinas.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines