Balita

Love story nina Carlo at Angelica, sinusubayb­ayan

- Ni NITZ MIRALLES

HALA! Marami ang kinikilig sa prospect na baka magkaroon ng bagong chapter at book two ang relasyon nina Angelica Panganiban at Carlo Aquino.

Matatandaa­n na nagkaroon ng relasyon sina Angelica at Carlo noong mga bata pa sila, nag-break nga, at nagkaroon ng kanya-kanyang love life, pero nanatiling magkaibiga­n.

Sa press launch kahapon ng Meet Me in St. Gallen na pinagbibid­ahan nila ni Bela Padilla, nagisa si Carlo tungkol sa kinakikili­gang running story nila ni Angelica sa social media. Pero napakatipi­d ng mga sagot niya. Napaka-gentleman talaga, komento ng mga katoto.

Although inamin niya na very fresh pa ng bagong sitwasyon nila ni Angelica, na nalaman ding three months na pala.

So, three months ago ay muling nagkita sina Angelica at Carlo, nagkaroon ng communicat­ion at pictures pa lang nila ang ipinost ng aktres, pero napakarami nang kinilig. Nadiskubre na marami pa rin silang fans na umaasang magkabalik­an sila lalo’t parehong single ang status nila.

Dagdag na kilig ang ipinost ni Angelica na may nagpadala sa kanya ng beautiful bouquet of flowers at nilagyan lang nito ng caption na, “Huy salamat.”

Si Carlo naman, may tweet na, “Matalik na kaibigan, maaari ba kitang maging matalik na pag-ibig?”

Malalim ang foundation ng friendship nina Angelica at Carlo na nagsimula noong mga bata pa sila, nauwi sa relasyon, break-up at ngayon, friends na uli sila.

Hindi malayong maging sila uli... ‘yun ay kung mahal pa nila ang isa’t isa.

 ??  ??
 ??  ?? Angelica
Angelica

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines