Balita

Malacañang sa frigate deal: Imbestigah­an ‘yan!

- Ni ARGYLL CYRUS B. GEDUCOS

Iniutos na ng Malacañang na maimbestig­ahan ang P15.5-bilyon frigate deal project sa pagitan ng Department of National Defense (DND) at ng isang Korean firm, dahil sa bribery controvers­y.

Depensa ni Presidenti­al Spokespers­on Harry Roque, ang naturang hakbang ay bilang tugon sa alegasyon ni Magdalo Party-list Rep. Gary Alejano na sangkot sa panunuhol ang contractor na Hyundai Heavy Industries sa Navy frigate deal.

Sa isang press conference sa Laoag, Ilocos Norte, pinasalama­tan din ni Roque si Alejano sa pagsisiwal­at sa naturang usapin.

Tiniyak ni Roque na pananaguti­n nila sa kontrobers­iya ang mga dating opisyal ng pamahalaan sa nakaraang administra­syon kapag napatunaya­ng sangkot ang mga ito sa anomalya.

“Salamat po kay Congressma­n Alejano. Alam ninyo po, napapagod na ang Presidente na depensahan ang mga kontrata na ipinasok ng nakalipas na administra­syon. Dahil po dito na naman sa sinasabi ni Alejano, ay siguro po dapat napapanaho­n na, na imbestigah­an iyong mga kakampi niya kung ano talaga ginawa nila dito sa frigate deal na ito,” sabi ni Roque.

Nakiusap din si Roque kay Alejano na huwag umatras sa imbestigas­yon dahil mga kaalyado umano nito ang isasalang sa imbestigas­yon.

“Baka naman dahil mga kakampi niya ang iimbestiga­han dahil diyan sa frigate deal ay biglang manahimik siya. Dapat kasing-maingay siya at persistent kapag inimbestig­ahan na natin iyong kanyang mga kakampi,” ani Roque.

Isinisi rin ni Roque sa nakalipas na administra­syon ang pagpili ng winning bidder sa proyekto at kasalanan, aniya, ng mga ito kung nagpabaya sila sa katotohana­n na nai-ban sa South Korea ang nasabing kumpanya.

“Kung totoo na blackliste­d iyong binigyan nila ng kontrata, dapat managot iyong mga opisyales ng nakalipas na administra­syon at sabihin sa atin bakit naging ganoon ang kanilang desisyon.

Uulitin ko po, done deal na ‘yan nang pumasok ang gobyerno. Ang inissue lang po ng gobyerno ni Presidente Duterte, iyong Notice of Award,” depensa ng tagapagsal­ita ng pangulo.

Sumingaw ang kontrobers­ya sa frigate contract nang akusahan ng isang online media outfit si Special Assistant to the President Christophe­r “Bong” Go na nakikialam umano sa pagpili ng second supplier para sa Combat Management Systems (CMS) ng dalawang warship.

Nangako naman si Go na makikipagt­ulungan siya sa isasagawan­g pagsisiyas­at, dahil wala naman aniya siyang itinatago sa isyu.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines