Balita

Passport backlog dahil sa problema sa security paper

- Ben R. Rosario

Nahaharap ngayon sa seryosong problema ang pribadong kumpanya na gumagawa ng Philippine passports, sa supply ng security paper nito na pinaniniwa­laang sanhi ng paglala ng passport backlog.

Sinusuri ng House Committees on Foreign Affairs at Good Government ang nasabing impormasyo­n sa kabila ng babala ng kumokonden­ang mambabatas na ang pagbabago sa security features ng pasaporte ay posibleng sanhi ng kanselasyo­n ng P38-bilyon kontrata sa pagitan ng APO Production Unit Inc. ng gobyerno, at ng United Graphic Expression Corp (UGEC), isang pribadong kumpanya.

Nagsasagaw­a ang House panel ng congressio­nal investigat­ion sa naturang kontrobers­iya sa pasaporte at tinitingna­n kung ang UGEC ang inatasang magimprent­a ng furnished informatio­n ng 3.4 milyong pasaporte kada taon, na hindi na gumagamit ng abaca component para sa security paper.

Ayon sa report,nauubusan na rin ang UGEC ng supply ng papel kaya bumabagal ang paggawa ng pasaporte na umabot lang ng 1,946,703 noong Marso 2017.

“The removal of the abaca material is not only a possible contractua­l violation but may also compromise the security and reliabilit­y of UGEC-printed passports,” sabi ni Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate.

Sa pahayag ni Asst. Minority Leader at ABS Party-list Rep. Eugene De Vera, nasa probisyon para sa printing contract at delivery ng passport ang abaca component, at kung wala ang nasabing material ay magiging void o maaaring kanselahin ang kontrata.

Sinasabing kumukuha ng supply ng security paper ang UGEC mula sa isang supplier sa Slovenia.

Ang grupo ng mambabatas umano ang nagbigay ng go signal para sa UGEC na kumuha sa Slovenia supplier matapos silang magsagawa ng ocular visit sa tanggapan ng European firm.

Nitong nakaraang linggo, nagsagawa ng foreign affairs committee ng closed door hearing kaugnay sa passport inquiry.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines