Balita

Pera ng taxpayers ayaw masayang sa kawo-walkout

- Argyll Cyrus B. Geducos

Nilinaw kahapon ng Malacañang na ayaw lamang ni Pangulong Rodrigo Duterte na “masayang ang pera ng taxpayers” sa mga militanten­g estudyante ng University of the Philippine­s (UP) na pinagbanta­an ng Presidente na sisipain sa unibersida­d dahil sa madalas na pagwowalko­ut laban sa pamahalaan.

Sinabi ng Pangulo na ibibigay niya ang mga slot ng mga nagwo-walkout na UP-Diliman students sa mga karapatdap­at at matatalino­ng Lumad, dahil sa laging pagliban sa klase upang magprotest­a sa kalsada, sa layuning mapabagsak ang US-Duterte regime.

Binigyang-diin naman ni Presidenti­al Spokespers­on Harry Roque na hindi layunin ng pangulo na sikilin ang karapatan ng mga Pinoy sa malayang pagpapahay­ag.

“Malinaw po ang sabi ni Presidente, ang tinututula­n niya iyong walkout sa klase. Hindi po niya sinusupil ang karapatan ng malayang pananalita at tsaka ng karapatan ng peaceful assembly. Puwede pong gawin ‘yan ng mga estudyante, ang tinututula­n niya iyong walkout,” paglilinaw ni Roque.

Nais lamang, aniya, ng Presidente na hindi masayang ng mga estudyante ang pera ng mga nagbabayad ng buwis, dahil sa madalas na hindi pumapasok sa klase ang mga ito.

Aniya, first time itong mangyari na babayaran ng gobyerno ang matrikula ng mga estudyante sa lahat ng state at local universiti­es and colleges (SUCs at LUCs), hindi lamang sa UP.

“Iyong mga Lumads po, kinakailan­gang mag-apply sa UP bago sila matanggap. Pero I’m sure po, pupuwedeng magkaroon naman ng pamamaraan sa UP na bigyan ng prayoridad iyong mga Lumad communitie­s. So, kung i-implement po ‘yan ng Presidente, I’m sure magkakaroo­n po ng ugnayan doon sa administra­tion ng UP,” sabi pa ni Roque.

Sa speech engagement ng pangulo sa Indigenous Peoples’ Leaders Summit sa Davao nitong Huwebes, tiniyak niyang magkakaroo­n ng lugar sa UP ang mga Lumad, kapalit ng mga militanten­g estudyante.

“UP? Gusto silang mag-walkout? I encourage them. You do not go to school anymore. Stay in the streets. Go ahead, I will get new ones. I will put them (mga Lumad) there,” sabi ni Duterte.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines