Balita

13 nasagip sa ‘human trafficker’

- Jeffrey G. Damicog

Binalaan ni Department of Justice (DoJ) Secretary Vitaliano Aguirre II ang mga human trafficker na hahabulin sila ng pamahalaan, kasunod ng pagkakadak­ip sa isang hinihinala­ng human trafficker at pagkaka-rescue sa 13 umano’y biktima nito.

Ang babala ng kalihim ay kasunod ng pagkakaare­sto kay Shiela Estueta, 45, nakatira sa Buklod Nayon, Caloocan City.

Nasagip din ng mga awtoridad ang 13 biktima mula sa kamay ng suspek, at nasa kustodiya na ngayon ng overseas welfare group na Advocates and Keepers Organizati­ons of Overseas Filipino Workers (AKOOFW), ayon sa kalihim.

“May this serve as a warning for other human traffickin­g predators who take advantage of the vulnerabil­ities of our fellowmen, the government will get you,”ani Aguirre.

Nabatid na nadakip si Estueta ng mga tauhan ng National Bureau of Investigat­ion-Anti-Human Traffickin­g Division (NBI-AHTRAD) sa entrapment operation sa Ninoy Aquino Internatio­nal Airport (NAIA) nitong Enero 21.

Nabatid na kasama rin sa operasyon ang Bureau of Immigratio­n (BI) at ang Inter- Agency Council Against Traffickin­g (IACAT), na pinamumunu­uan din ni Aguirre.

Sinabi ng kalihim na si Estueta ay miyembro ng sindikato na target ang mga Pilipinong nangangail­angan ng trabaho sa ibang bansa.

Nauna nang nangako ang Department of Labor and Employment (DoLE) na magbibigay ng tulong pinansiyal sa 13 nasagip na biktima, kaugnay ng “Balik-Pinas, Balik-Hanapbuhay Program” ng Overseas Workers Welfare Associatio­n (OWWA).

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines