Balita

Resolusyon sa ‘Atio’ case, ilalabas ngayong buwan

- Jeffrey G. Damicog

Umaasa ang Department of Justice ( DoJ) na mailalabas sa kalagitnaa­n ng Pebrero ang resolusyon kaugnay ng preliminar­y investigat­ion na isinagawa sa kaso ng pagkamatay ng hazing victim na si Horacio Tomas “Atio” Castillo III.

Ipinaalam na kay DoJ Secretary Vitaliano Aguirre II ng tatlong panel prosecutor, sa pangunguna ni Assistant State Prosecutor Susan Villanueva, na tapos na ang kanilang preliminar­y investigat­ion sa naturang kaso.

“The Prosecutio­n Panel is presently evaluating all of the evidence submitted and shall endeavour to come up with a resolution by midFebruar­y 2018,” saad sa report ng panel kay Aguirre.

Bukod kay Villanueva, binubuo rin ang panel nina Prosecutio­n Attorneys Wendell Bendoval at Honey Rose Delgado.

Enero 22 natapos ng panel ang preliminar­y investigat­ion at idineklara ang kaso para sa pagsusumit­e ng resolusyon.

Ibinatay ang preliminar­y investigat­ion ng panel sa inihaing reklamo ng Manila Police District (MPD) at ng mga magulang ni Atio na sina Horacio Jr. at Carminia.

Tinukoy ng MPD ang 18 suspek na kinasuhan ng murder, robbery, at paglabag sa Republic Act 8049 o AntiHazing Law.

Habang 31 naman ang inireklamo ng mga magulang ni Atio sa kaparehong mga kaso.

Bukod pa rito ang paghahain ng mag-asawa ng apat na bilang ng perjury at obstructio­n of justice laban sa 23 pang respondent.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines