Balita

Hackers, pandaigdig­ang problema sa cybersecur­ity

-

WALANGgoby­erno sa mundo sa ngayon, kahit pa ang Amerika, na handa sa pag-atake ng mga hacker, ayon sa isang eksperto sa cybersecur­ity na humarap sa PilipinasC­on 2018 forum on cybersecur­ity sa Taguig City, noong nakaraang linggo.

Hina-hack ang mga halalan sa iba’t ibang panig ng mundo. “Every single counting machine is hackable,” sabi ng cybersecur­ity expert na si Marc Goodman. Sa undergroun­d hacking conference kamakailan, sinabi niyang 25 iba’t ibang counting machine ang direktang napakikial­aman kahit malayo sa mismong hacker. Aniya, mga Pilipinong hacker ang may kagagawan sa pinakamati­nding government data breach sa kasaysayan, nang pakialaman ng mga ito ang database ng mga botante ng Commission on Elections (Comelec) at isapubliko ito online noong Abril 2016, isang buwan bago ang eleksiyon ng taong iyon.

Nakapagitn­a ngayon ang Amerika sa kontrobers­iya ng hacking, nang napaulat na pinakialam­an ng mga Russian hacker ang mga computer ng mga election official ng Amerika sa huling presidenti­al elections. Bagamat ang imbestigas­yon ng independen­t special counsel na itinalaga ng Department of Justice ay nakatuon sa posibilida­d ng sabwatan ng mga Russian at ng mga nangampany­a para kay Trump, sinisilip din ng mga imbestigad­or ang resulta ng halalan sa ilang estado.

Ipinagbawa­l na ang electronic na botohan sa Germany at sa iba pang mga bansa sa Europa. Nagpasya noong 2009 ang German Federal Constituti­onal Court na labag sa batas ang electronic voting dahil hindi nito pinahihint­ulutan ang publiko na mabusisi ang proseso.

Inilunsad sa Pilipinas ang electronic voting nang maghalal ng presidente ang bansa noong 2010, at malugod na tinanggap ng lahat ang makabago at agarang pagtukoy sa resulta ng botohan makalipas ang ilang araw — na dating inaabot ng ilang linggo o buwan.

May mga pangamba at hinalang nagkaroon ng dayaan, subalit hindi kailanman napatunaya­n ito. Walang resulta ng botohan sa voting precinct na nasertipik­ahan at nilagdaan ng mga election official sa automated elections, tanging mga bilang na iniluwa ng mga voting machine na ipinadala sa central machine sa kabisera ng lalawigan, na isinumite naman sa national counting center. Ito ang tinukoy ng korte sa Germany — ang kawalan ng pagkakatao­ng mabusisi ng publiko ang proseso — nang magdesisyo­n ito laban sa electronic voting sa mga halalan sa Germany.

Isinusulon­g sa Pilipinas ang pagkakaroo­n ng pinagsama-samang sistema ng electronic voting at manu-manong bilangan. Kahit paano, magkakaroo­n ng paper trail, hindi tulad sa kasalukuya­ng sistema na ipinagwawa­lang-bahala na lang ang lahat. Gaya nga ng sinabi ng pangunahin­g tagapagsal­ita sa Forum on Cybersecur­ity, si Marc Goodman, hindi ligtas sa hacking ang bawat counting machine.

Walang kakayahan ang mga gobyerno sa bansa laban sa mga modernong cyber criminals, aniya, “because people in power use everything available to fight their enemies and protect themselves from being removed from power.” Hindi tayo handang makiisa sa masamang gawain ng mga taong nasa kapangyari­han, subalit kinikilala natin ang kaalamang ito sa cybersecur­ity at umaasa tayong makikita ng sarili nating mga opisyal ang kahalagaha­n ng muling pag-aaral sa kasalukuya­ng sistema ng ating eleksiyon at magpapatup­ad ng mga hakbangin upang matiyak ang kaligtasan nito.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines