Balita

Top NPA- Mindanao official, laglag din

- Ni BONITA L. ERMAC May ulat ni Fer Taboy

ILIGAN CITY – Inaresto nitong Biyernes ng hapon ang isa sa pinakamata­taas na opisyal ng Communist Party of the Philippine­s-New People’s Army (CPP-NPA) sa Mindanao, sa Barangay Bading, Butuan City.

Bitbit ang arrest warrant, dinakip ng puwersa ng pulisya at militar si Leonida Guao, alyas “Leah”, “Ligaya”, “Laya”. Siya ang finance officer ng CPP-NPA Komisyon Mindanao (KOMMID) at responsabl­e sa sistematik­ong koleksiyon at pamamahagi ng extortion money sa Mindanao.

Nahaharap si Guao sa kasong murder sa Regional Trial Court Branch 7 sa Bayugan City, Agusan del Sur.

Sa isang pahayag, sinabi ni B/Gen. Franco Nemesio M. Gacal, commander ng 402nd Infantry (Stingers) Brigade, na bilang finance officer ng KOMMID, alam umano ni Guao ang lahat ng extortion activities sa Caraga Region, at sa buong Mindanao.

“We hope that she will cooperate with the investigat­ing team in identifyin­g individual­s, business eatablishm­ents and organizati­ons that are providing financial support to the CPP-NPA terrorists,” sabi ni B/Gen. Gacal.

Nasa kustodiya ngayon ng Criminal Investigat­ion and Detection Group (CIDG) ng Police Regional Office (PRO)-13 si Guao.

Kaugnay nito, bantay-sarado ngayon ng militar ang NPA sa Central Visayas kasunod ng pananamban­g, pagpatay at panununog kay Staff Sgt. Mark Herbert Oberes ng Philippine Air Force (PAF), sa Cebu kamakailan.

Sinabi ni Capt. Anthony Al Pueblas, civil military officer ng 36th Infantry Battalion ng Philippine Army (PA), na mahigpit ang pagsubayba­y ng militar sa NPA sa rehiyon upang papanaguti­n sa pagpatay kay Oberes.

 ?? JUAN CARLO DE VELA ?? ATTRACTED! Napasulyap ang isang motorista sa ganda ng Fort San Pedro sa Plaza Independen­cia, na pinailawan nitong Martes, matapos mapili ng Cebu City government bilang isa sa 50 landmarks sa Pilipinas para sa 50th Associatio­n of Southeast Asian Nation...
JUAN CARLO DE VELA ATTRACTED! Napasulyap ang isang motorista sa ganda ng Fort San Pedro sa Plaza Independen­cia, na pinailawan nitong Martes, matapos mapili ng Cebu City government bilang isa sa 50 landmarks sa Pilipinas para sa 50th Associatio­n of Southeast Asian Nation...

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines