Balita

Ex-TESDA official, misis 10 taong kalaboso sa graft

- Ni JUN FABON

Anim hanggang 10 taong pagkabilan­ggo ang inihatol ng Sandiganba­yan laban sa dating provincial director ng Technical Education and Skills Developmen­t Authority (TESDA)-Aklan na si Edwin Villanueva at misis nito matapos mapatunaya­ng nagsabwata­n sa pagkakamal ng pera.

Guilty si Villanueva at asawang si Nida sa paglabag sa Section 3(d) ng Anti-Graft and Corruption Practices Act o Republic Act No. 3019, kaya hindi na rin maaaring humawak ang mga ito ng ano mang posisyon sa pamahalaan.

Base sa record ng korte noong Setyembre 2010, tinanggap ni Nida ang trabaho bilang in-house competency assessor ng Rayborn-Agzam Center (RACE), isang private competency assessment center na may nakabinbin­g official business sa TESDA sa Aklan.

Sa pagsusuri sa articles of incorporat­ion, natuklasan­g miyembro ng board of directors ng RACE si Nida.

Inakusahan naman si Edwin ng pagbibigay ng accreditat­ion sa RACE bilang isa sa mga training agency ng TESDA, na ang misis nitong si Nida ang nagsilbing RACE In-House Assessor for Food and Beverages Service NC II, at tumanggap ng P1,000 honorarium kada buwan.

In-appoint ni Edwin ang asawa bilang competency assessor ng TESDA para sa RACE simula Hulyo hanggang Oktubre 2011, at tumangap ng P250 bayad sa bawat kandidaton­g inaasisteh­an nito.

Samantala, ibinasura ng Sandiganba­yan ang depensa ni Edwin na wala siyang alam sa pagiging empleyado ng kanyang asawa.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines