Balita

Publiko duda na sa DoH programs

- Charina Clarisse L. Echaluce

Isang opisyal ng Department of Health (DoH) ang nagpahayag ng pangamba sa epekto ng kontrobers­iya sa Dengvaxia sa mga programang pangkalusu­gan ng pamahalaan, at sinabi na maraming magulang ang hindi na nakikinig sa nais isagawa ng ahensiya dahil sa takot sa mga bakuna.

Ibinunyag ni Health Undersecre­tary Enrique Domingo na napakababa ng vaccinatio­n rates ngayon, dahil maraming magulang ang ayaw nang sumailalim sa immunizati­on programs sa pangambang baka manganib ang buhay ng kanilang mga anak. Ang iba pang public health programs ay iniiwasan na rin.

“Our problem right now is that our health programs are suffering. Our local offices are calling us…. Even vaccinatio­n rates are suffering,” sabi ni Domingo.

Binanggit ng opisyal ang biannual deworming program ng DoH tuwing Enero at Hulyo. Iniulat niya na napakababa ng bilang ng mga sumailalim sa unang deworming ngayong buwan.

Ganito rin ang nangyayari sa vaccinatio­n programs para makaiwas sa mga karamdaman­g tulad ng polio, measles, tetanus at diphteria.

“We recently had a measles outbreak in Davao. We’re trying to make up for it but the vaccinatio­n rate is very low,” pagbunuyag ni Domingo.

Mula sa ideyal na 85 porsiyento hanggang 90 porsiyento ng immunizati­on coverage sa mga batang Pilipino, ang coverage ay bumagsak sa 60%.

Ayon kay Domingo, matutunton ang dahilan ng nangyayari sa panic na idinulot ng Dengvaxia controvers­y, lalo na nang lumabas ang mga balita tungkol sa pagkamatay ng ilang bata na tumanggap ng bakuna. Habang isinusulat ang balitang ito, ang DoH ay nakapagtal­a na ng 26 na batang namatay matapos tumanggap ng bakuna.

Inamin ng undersecre­tary na tinatanong ng mga magulang ang health workers sa ilang komunidad kung mamamatay din ang mga anak nila na tumanggap ng naturang bakuna.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines