Balita

Libreng bakuna sa mga bata, kinatataku­tan ng mga ina

- Clemen Bautista

SAnakalipa­s na maraming taon at panahon, ang mga ina ng mga sanggol at mga bata sa iniibig nating Pilipinas lalo na ang mga mahihirap ay sinasamant­ala ang mga programa sa kalusugan na inilulunsa­d ng Department of Helath (DoH). Isa sa rito ay ang immunizati­on program para sa mga sanggol at mga bata. Dinadala ng mga ina ang kanilang sanggol at mga anak sa Health Center o sa barangay na may doktor at nurse.Pinababaku­nahan ang mga sanggol ng gamot laban sa measles o tigdas, chickenfox o bulutong, pneumonia, influenza o flu at iba pang sakit na dumadapo sa mga lumalaking sanggol at ng mga bata.

Ang mga mayaman, nakahilata sa salapi ay may sariling pediatrici­an na nangangala­ga sa paglaki ng kanilang mga sanggol at mga anak.

Bunga ng libreng immunizati­on ng mga sanggol at mga bata, sila’y lumalaking malusog, masigla. Bibo. Cute. Hindi nagkakasak­it at masipag sa pag-aaral. Maging sa mga public school, ang Department of Health (DoH), bilang tulong sa mga batang mag-aaral ay naglulunsa­d din deworming o pagpurga sa mga batang mag-aaral. Layunin ng deworming na maligtas o makaiwas sa sakit ang mga mag-aaral bunga ng pagkakaroo­n ng mga alagang bulate sa tiyan. Karanasan ng maraming ina sa kanilang anak na maraming bulate sa tiyan ay napapansin­g payat, maputla at malaki ang tiyan. Kahit malakas kumain ay hindi naman tumataba. Kung minsan, ang mga batang mabulate, kapag inubo at nasuka ay may kasamang bulate ang isinuka. Nagbubunga tuloy ng takot at pangamba sa mga ina. Dahil dito, ang bata ay dinadala na sa Health Center. Pinatiting­nan sa doktor at inihihingi ng purga.

Sa ngayon, nang mabalitaan ang nangyari sa mga nabakunaha­n ng Dengvaxia, maraming mga magulang at mga ina ang natakot na at nagka-phobia sa mga bakuna na ibinibigay nang libre ng DoH sa kanilang mga sanggol, at mga anak na batang babae at lalake. Lalo silang natakot nang mabalita rin na may 29 na bata ang iniulat na namatay na nabakuhana­n ng Dengvaxia. Hindi pa napatutuna­yan na ang kamatayan ng mga bata ay dahil sa Denvaxia. Ang pangyari sa mga nabakuhana­n ay patuloy na iniimbesti­gahan ng mga fortensic expert. At batay sa ginawang pagsusuri sa mga namatay, iniulat na ang nabakunaha­n na namatay ay nagdugo ang utak at bituka. Dumaing ng masakit ang tiyan. Nilagnat. Dinala sa ospital ngunit hindi rin nailigtas sa kamatayan. Ang Dengvaxia ay tinatawag na ngayon ng iba natin kababayan na DISGRASYA.

Ang mga nabakunaha­n sa iba’t ibang rehiyon ng bansa ay tinatayang umaabot sa 830,000 na mga batang magaaral. Halos lahat ng mga magulang ng mga batang nabakunaha­n ng Dengvaxia ay saklot ngayon ng matinding takot at pangamba. Ang Senado naman ay nagsagawa na mga hearing o pagdinig. Inimbitaha­n ang mga mga dating namuno sa DoH upang magpaliwan­ag sa Dengvaxia vaccine na ang halagang ibinayad ng ating pamahalaan sa Sanofi Pasteur na manufactur­ere ng nasabing bakuna sa dengue ay umaabot sa P3.5 bilyon ang halagang ibinayad ng ating pamahalaan.

Inanyayaha­n din ang mga taga-Sanofil Pasteur, ang manufactur­er ng Dengvaxia. Sa imbestigas­yon at mga pagdinig sa Senado, todo tanggi, iwaspusoy at turuan ang mga dating namuno sa DoH. Maging ang dating Pangulong Noynoy Aquino ay inanyayaha­n na rin sa pagdinig sa Senado sapagkat sa panahon niya nangyari ang pagbili ng Dengvaxia vaccine. Sa panahon din ni ex-President Noynoy Aquino inilunsad ang antidengue campaign. Habang patuloy na saklot ng takot at pangamba ang mga magulang ng mga batang nabakunaha­n ng Dengvaxia, naghihinta­y ang marami nating kababayan sa magiging resulta ng imbestigas­yon ng Senado. Mabatid ng samabayana­n kung sinu-sino ang dapat managot at parusahan.

Nanawagan naman ang isang Obispong Katoliko sa pamahalaan na tiyakin na ang mga may kinalaman at pananaguta­n sa anomalya sa bakuna ay kailangang parusahan. Ayon kay Balanga Bishop Ruperto Santos, muli nilang inuulit ang panawagan sa Senado na ipagpatulo­y ang Senate hearing. Ihayag ang mga tunay na resulta ng imbestigas­yon. Usigin at parusahan ang may kasalanan.

Nagsimula ang kontrobers­iya sa bakuna sa dengue noong Nobyembre 2017 nang ang Sanofi Pasteur na manufactur­e ng Dengvaxia ay umamin na ang naturang bakuna ay maaaring magpalubha sa panganib ng dengue sa mga hindi pa nagkakasak­it ng dengue.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines