Balita

Nadine, gusto na ring maging positibo pero in-unfollow si Direk Tonet

- –Nitz Miralles

NAPAKA-POSITIVE ng post ni Nadine Lustre tungkol sa healing at letting go of negative vibes. May kinalaman ito sa pagkamatay ng brother niya at kasama na siguro ang mga isyu na kinasangku­tan nila ni James Reid.

“Today, I’m starting my healing... Thought of posting them all in my HIGHLIGHTS to inspire and enlighten.

“To everyone who has been messaging me about their struggles, thank you for sharing... I am listening.

“I hope sharing my stories and thoughts will help. First thing I need you to do, LET GO.”

Comments ng fans, tama ang ginawa ni Nadine, maging positive lalo’t marami silang ganap ni James. Isa na ang February 9 concert nila sa Smart Araneta Coliseum billed Revolution. ‘Tapos, may pelikula pa silang ginagawa, there’s no room for negativity nga naman.

Kaya lang, kasunod ng positive post ni Nadine ang balitang medyo negative dahil in-unfollow daw niya sa Instagram (IG) si Direk Antoinette Jadaone. Big deal ngayon ang pag-a-unfollow sa social media, kaya agad kumalat ang balitang ito.

Matatandaa­n na a few weeks ago, may ipinost si Direk Tonet tungkol sa pagkaka-delay ng shooting ng movie nina Nadine at James na umabot sa pagharapha­rap nila sa Viva Films office. Natuloy ang shooting ng movie at nakunan nga ang mga eksena sa London.

Kung totoo ngang in- unfollow ni Nadine ang direktor ng pelikula nila ni James, ibig sabihin ay hindi pa tuluyang naaayos ang isyu nila.

 ??  ?? Direk Tonet, James at Nadine
Direk Tonet, James at Nadine

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines