Balita

Kapuso Network, wagi sa nationwide ratings sa Enero

-

MAGANDAang simula ng taon para sa GMA Network na napanatili ang pagiging number one sa nationwide TV ratings nitong Enero ayon sa data ng Nielsen TV Audience Measuremen­t.

Para sa buong buwan ng Enero (base sa overnight data ang Enero 21 hanggang 31), nagtala ang Kapuso Network ng average total day people audience share na 43.7 percent sa National Urban Television Audience Measuremen­t (NUTAM), na mas mataas sa 38.6 percent ng ABS-CBN.

Panalo rin ang GMA Network sa lahat ng dayparts sa NUTAM. Sa morning block, nakakuha ng 42.3 percent people audience share ang GMA samantalan­g 35.4 percent naman ang sa kabilang network.

Sa afternoon block, malaki ang inilamang ng Kapuso Network na mayroong 47.3 percent kumpara sa 36.8 percent ng Kapamilya Network.

Nagtuluy-tuloy hanggang sa evening block ang panalo ng GMA na may 41.5 percent habang 41.2 percent naman ang nakuha ng ABS-CBN.

Wagi rin ang GMA sa lahat ng time blocks sa Urban Luzon at Mega Manila na bumubuo sa 76 at 59 percent ng kabuuang urban TV viewers sa bansa.

Sa Urban Luzon, nagtala ng 49.2 percent total day people audience share ang GMA kontra 32 percent ng ABS.

Pagdating sa Mega Manila ( base sa official data mula Enero 1 hanggang 20), napanatili ng Siyete ang malakas na hatak sa mga manonood sa naitalang 51.9 percent total day people audience share habang 28.5 percent naman ang sa Dos.

Tuloy rin ang pamamayagp­ag ng GMA shows sa listahan ng top-rating programs sa NUTAM sa pangunguna ng award-winning news magazine show na Kapuso Mo, Jessica

Soho ( KMJS) bilang most-watched GMA show para sa buwan ng Enero.

Pasok din sa listahan ang Magpakaila­nman; Sherlock Jr.; Pepito Manaloto; 24 Oras; Super Ma’am; Kambal, Karibal; Daig Kayo ng Lola Ko; All-Star Videoke; at Sirkus. Maganda rin ang naging ratings performanc­e ng weekend primetime newscast na 24 Oras Weekend; Ika- 6 na Utos; Imbestigad­or; The One That Got Away; My Korean Jagiya; Tadhana; Eat Bulaga; at Wowowin.

Sa listahan ng top programs sa Urban Luzon, walong Kapuso shows ang nakapasok sa top 10 habang muling pinakyaw ng GMA ang buong top 10 spots sa Mega Manila.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines