Balita

Presidente sa umaga, taxi driver sa gabi

NAPAKINGGA­N N’YO NA BA SI DU32?

- Ni DIANARA T. ALEGRE

HINDIlingi­d sa lahat ang popularida­d ni Pangulong Rodrigo Duterte, kaya maraming tagahanga ang gumagaya sa kanya.

Mayroon nang ilang nagsulputa­ng kalook-a-like ng Pangulo, gaya ni Du20, na mas batang bersiyon daw ni Du30. Mayroon ding iba pang mga bersiyon na patok na patok sa netizens. At ngayon ay may bagong humahamon, si

Du32 na ala-Digong ang boses at kilos. Siya si Mang Elsias Bucsad, kababayang taxi driver ni Pangulong Digong na kaboses ng Pangulo. Ginagamit ni Bucsad ang kanyang abilidad na panggagaya upang aliwin ang kanyang mga pasahero na bentang benta rin maging sa libu- libong netizens na nakakapano­od ng viral video sa social media.

“Kurapsyon, kahit ilang milyon pa ‘yang ilagay mo sa harapan ko, ilang maliit na kaban ng pera ‘yan, ‘di ako masilaw d’yan. Ang problema ko ‘pag magandang babae sa harapan ko, masilaw man ako,” halimbawa ng mga linya ni Du32 na nagpapahig­ikgik sa kanyang bilib na bilib na mga pasahero.

Hindi rin naman nagpahuli ang netizens sa pagkokomen­to at nakipagtag­isan ng kanilang kakayahan umanong manggaya rin.

“Kaya ko gayahin si Mar Roxas. Uminom sa plato at kumain sa baso. Mag-traffic enforcer ako at magbuhat ng sibuyas. Alam ko din ang droga sa Davao at Makati. Si PNoy dali lang din, ubo lang ako nang ubo,” komento ni Albert Lonogan.

Hindi rin nagpahuli si Mil Itante na kaya umanong gayahin si Sen. Antonio Trillanes kung kakahol lang siya nang kakahol.

Kuwento ni Mang Elsias, ugali na niyang mang-aliw ng mga pasahero kahit pa mga dayuhan, na agad namang nakukuha ang kiliti.

Habang isinusulat ito ay mahigit 4,000 na ang views ng video ni Mang Elsias.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines