Balita

Israeli fans, kinasuhan ang aktibistan­g nanggipit kay Lorde

-

NAGHAINng reklamo ang tatlong Israeli fans ni Lorde nitong Miyerkules laban sa dalawang aktibista na humimok sa New Zealand singer na iboykot ang Jewish state at kanselahin ang nakaplanon­g pagtatangh­al doon.

Nagde- demand ang plaintiffs, mga kabataang babae na bumili ng tickets para sa June concert ni Lorde, ng 45,000 shekels ($13,176) mula sa dalawang aktibista sa New Zealand na nag-pressure kay Lorde.

Inihayag ni Lorde noong Disyembre ang kanyang hangarin na magtanghal sa Israel, ngunit dahil sa mga batikos ng internatio­nal at New Zealand activists, inihayag niya na kinakansel­a na niya ang show, sinabing nagkamali siya ng desisyon na magtanghal sa Tel Aviv.

Ang kaso ay isinampa ng Shurat Hadin, isang NGO “using court systems around the world to go on the legal offensive against Israel’s enemies,” batay sa legislatio­n mula 2011 laban sa mga panawagan na iboykot ang Israel.

“We hope that the court will implement the law and rule damages to the plaintiffs, so boycott activists will know there’s a price to any article or incitement against Israeli citizens,” ani Shurat Hadin director Nitsana Darshan-Leitner sa pahayag. Ang kilusan sa likod ng panggigipi­t kay Lorde ay kilala bilang BDS -- Boycott, Divestment and Sanctions – at sinasabing ito ay inspired ng kampanya na tumatarget sa apartheid regime ng South Africa at naglalayon­g wakasan ang pananakop ng Israel sa West Bank.

Noong Hulyo, nabigo ang BDS activists na hikayatin ang

Radiohead na huwag ituloy ang show ng banda sa Tel Aviv sa kabila ng matinding pressure mula sa artists gaya nina Roger Waters ng Pink

Floyd at director na si Ken Loach. Itinuturin­g ng Israel ang BDS na isang strategic threat at inaakusaha­n ito ng anti-Semitism, na mariin namang itinanggi ng mga aktibista na anila’y pagtatangk­a na i-discredit sila. Ilang politicall­y active musicians ang nagkansela ng kanilang pagtatangh­al sa Israel nitong mga nakaraang taon, kabilang sina Lauryn Hill at Elvis Costello.

 ??  ?? Lorde
Lorde

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines