Balita

George Clooney unang nakilala si Amal sa kanyang bahay

-

HINDIna kinailanga­ng umalis ng bahay sa tabi ng lawa sa Italy si George Clooney para ligawan ang kanyang asawang si Amal Alamuddin -- dahil dinala at ipinakilal­a ito sa kanya ng kanyang isang kaibigan. Ibinunyag ng movie star na nakatambay lang siya sa bahay sa Lake Como kasama ang kanyang mga magulang nang tumawag ang hindi pinangalan­ang kaibigan at tinanong kung maaari itong dumalaw kasama ang isa ring kaibigan. Sa taped appearance sa bagong Netflix show ni David Letterman na My Next Guest Needs No Introducti­on With David Letterman, nagbalik-tanaw ang 56-anyos na aktor sa unang pagkikita nila ng lawyer na si Amal noong 2013.

“It’s the wildest thing,” ani George. “A mutual friend of ours said, ‘I’m stopping by and can I bring my friend?’ And I was like, ‘Of course’.”

“He said, ‘ I met this woman who’s coming to your house who you’re gonna marry’,” dagdag ni George. “The funniest thing was my mom and dad were visiting, so my parents were there, and we just talked and we stayed up all night talking and then, you know, I got her email address ‘cause she was going to send me some pictures of my parents and then, we started writing...”

Inamin ni Clooney na hindi niya alam kung gusto rin siya ni Amal.

“I didn’t know if she wanted to go out with me,” aniya. “I just thought, you know, we were buddies.”

Ikinasal ang dalawa noong Setyembre, 2014 at nagsilang si Amal ng kanilang kambal nitong nakaraang taon.

Ang second episode ng monthly Netflix show ni Letterman ay maaari nang i-stream simula Pebrero 9. Si dating President Barack

Obama ang unang guest nang mag-debut ang programa noong Enero.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines