PAGDILA SA APOY
Ika-59 na labas
MARAHIL,ngayon ay alam na ni Lagring na masama ang balak ng grupo ni Pedring sa kanya. Nakahinto na sa ilang ang dyip nila.
“Mga hayup kayo! Mga demonyo! Mga bakulaw! Mga impakto!” Kung anu-anong pagmumurang hindi pwede imprintahin ang mga sinabi pa ni Lagring.
Katulong ni Pedring ang dalawang lalaki na puwersahang ibinaba si Lagring. May pakiusap si Pedring: “Ingatan n’yo ang mahal ko! Hindi siya dapat masaktan!”
Dahil sa panlalaban, naubusan din yata ng lakas si Lagring. Lupaypay na ang katawan nito nang kargahin ng dalawang lalaki. Malungkot, parang maiiyak na kasunod ng tatlo si Pedring.
Nasa loob na sila ng kubo. Malinis at maayos ang kubo. May higaan at may unan kasama na ang kumot. Halatang inihanda talaga ang kubong iyon.
“Pa’no, Pedring…aalis na kami,” sabi ng drayber. “Hanggang dito na lang ang usapan natin.”
Nakita ni Lagring, may inabot si Pedring sa drayber bago tuluyang umalis iyon kasama ang lalaking kinatulong.
“Ipabibitay ko kayooo!” Sigaw ni Lagring.
“Ako lang ang may kasalanan,” mahina, nagmamakaawa ang boses ni Pedring. “Sa akin mo na lang ibunton ang galit mo.”
Yayakapin niya si Lagring pero nagpumiglas. Nakawala. Pinagsusuntok siya. Pinagkakalmot. Pinagkakagat.
Tiis lang si Pedring. Ni hindi siya gumanti kahit kaunti. Dahil matutulis ang mga kuko ni Lagring, nagdugo ang mga kinalmot niyon.
“Paninindigan ko ang mangyayari sa atin, mahal!”
“Walang mangyayari sa ‘tinnnn!”
“Hindi lang ako makapayag na basta kunin ka na lang sa ‘kin ng hayup na Reneeng ‘yon nang walang kahirap-hirap.”
“Patayin mo muna ‘ko bago mo makuha ang gusto mo, hayup ka Pedring ka. Patayin mo muna akooo!
Pero buo na sa loob ni Pedring na magiging kanya si Lagring.
Sa wakas, naubos din yata ang lakas ni Lagring. Nagawa na rin niya itong halikan. Pinaliguan niya ng mga halik ang lahat ng puwedeng halikan. Bakit ba hindi maubos ang bango ng babaeng ito?
May demonyo na sa batok ni Pedring. Kahit patuloy pang nanlaban, nagawa nang hubaran ni Pedring si Lagring. ‘Yong talagang hubad. Tanggal pati ang pinakahuling baterya ng pagkababae.
Patuloy ang pagmumura ni Lagring pero mahina na lang, halos ay pabulong. Pero hindi kayang ilathala ang mga kalaswaang lumalabas sa bibig ni Lagring.
A, mahiwagang isda! Bakit ang bibig ng karaniwang isda ay nakahiga samantalang ito ay nakatayo. At bakit may bibig ay wala namang ilong at mga mata? At ito lang yata ang isdang balbassarado.
“Maawa ka naman, hayup kang Pedring ka!” Pahinaing na ang boses ni Lagring.
Totoo, may habag pang nararamdaman si Pedring. Ngunit higit na ang kapangyarihan ng nakakubabaw na demonyo. At ang nakahantad na tanawin ay nagpaibayo sa kahayukan!
Kahit mahina na, malikot pa rin si Lagring. Mahirap isubo sa isda ang iniaandurot na pagkain.
Sa wakas, naibuka rin ang bibig ng isda. Naisubo ang pagkain. Puno ang bibig ng isda. Hindi lang yata bibig kundi sagad hanggang lalamunan. At…namatay ang magilas na isda! “Patawarin mo ‘ko! Patawad… patawaadd!” Ulit-ulit ni Pedring. Itutuloy...