Balita

NU spikers, angat sa Adamson Lady Falcons

- Marivic Awitan

Mga Laro Ngayon (MOA Arena)

8 am UP vs. UE (M) 10 am Ateneo vs. FEU (M) 2 pm UP vs. UE (W) 4 pm Ateneo vs. FEU (W)

SINIMULAN ng last season losing finalist National University ang kanilang kampanya sa pamamagita­n ng 25-23, 25-19, 25-20 panalo kontra Adamson kahapon sa 80th UAAP men’s volleyball tournament sa MOA Arena.

Nagpamalas ng steady performanc­e ang national team standout na si Bryan Bagunas kasama ng mga beteranong hitters na sina Fauzi Ismail at Kim Malabunga upang pamunuan ang panalo ng Bulldogs.

Umiskor si Bagunas ng 16-puntos na kinabibila­ngan ng 14 na attacks habang nagtala naman si Ismail ng 8 kills at tig -tatlong blocks at aces na sinundan ni Malabunga na may 10 puntos.

Sa ikalawang laban, pinahirapa­n ng De La Salle University ang isa sa mga last season semifinali­st University of Santo Tomas bago isinuko ang laro na napuwersa nilang paabutin sa limang sets.

Napag -iwanan ng Tigers na mas piniling tawaging Golden Sports ng kanilang mentor na si Odjie Mamon, naitabla ng Green Archers ang laro at naihirit ang decider frame matapos ipanalo ang third at fourth sets sa pamumuno ng nagbabalik mula sa MCL injury na si Raymark Woo at Arjay Onia.

Ngunit, pagdating ng fifth set, nagsanib puwersa sina Joshua Umandal at JV Sumagaysay upang pigilin ang lahat ng pagsusumig­asig ng Green Spikers na agawin sa kanila ang panalo.

Nagposte si Umandal, isang transfrere­e mula University of the East ng 21 puntos na kinabibila­ngan ng 20 attacks ar isang ace para pangunahan ang naturang panalo ng Golden Spikers.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines