Balita

Mga bakwit posibleng magbalikan din

- Fer Taboy at Ellalyn De Vera-Ruiz

Posibleng bumalik sa mga evacuation area ang mga residente sa palibot ng Bulkang Mayon sa Albay kapag lumalang muli ang patuloy na pag-aalburoto ng bulkan.

Ito ang inihayag ni Office of Civil Defense (OCD)-Region 5 Director Claudio Yucot.

Aniya, aabot na lamang sa 20,204 na pamilyang bakwit ang naiwan sa mga evacuation center, o katumbas ng 77,789 na residente.

Ipinaliwan­ag pa ni Yucot na kapag tumaas muli ang antas ng pag-aalburoto ng bulkan ay muling isasagawa ang paglilikas, at inaaasahan­g mas dadami pa ang evacuees.

Una nang pinauwi ang mga residenten­g nasa labas ng eightkilom­eter danger zone, batay na rin sa rekomendas­yon ng mga kinauukula­n dahil na rin sa bahagyang pagkalma ng bulkan sa nakalipas na mga araw.

Kaugnay nito, aabot sa 55 na pagyanig ang naitala sa paligid ng bulkan sa nakalipas na 24 oras.

Sinabi ng Philippine Institute of Volcanolog­y and Seismology (Phivolcs) na nananatili pa ring nasa level 4 ang alert status ng Mayon kahit pa bahagyang kumalma na ito.

Nakapagtal­a pa rin ang Phivolcs ng irregular at mahinang lava fountainin­g, lava flow, bukod pa sa pagbuga ng Mayon ng usok nitong Sabado at Linggo.

Inihayag ng ahensiya na tumagal lamang ng pitong segundo ang mababa at mahinang lava fountain.

Nilinaw din ng Phivolcs na sa nakalipas na magdamag nitong Sabado ay nagpakawal­a ng lava ang bulkan, na rumagasa sa Miisi at Bonga-Buyuan Channels.

Ayon sa Phivolcs, aabot lamang sa 3.2 kilometro mula sa bunganga ng bulkan ang naapektuha­n ng lava flow habang sa umabot na sa 4.3 kilometro ang pagragasa ng lava sa Bonga-Buyuan channels.

Sa nakalipas na 24 oras, bukod sa nasabing mga pagyanig, nakapagtal­a rin ang Phivolcs ng siyam na rockfall events.

Gayunman, bumaba sa 1,583 na tonelada ang sulfur dioxide emission ng bulkan simula nitong Biyernes.

Binalaan din ng ahensya ang publiko na huwag nang magpumilit na pumasok sa 8-km. radius danger zone.

Idineklara rin ang “no-fly zone” sa bisinidad ng bulkan dahil sa panganib na idudulot ng biglaang pagbuga nito ng abo.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines