Balita

Bangkay iniwan ng bus sa kalsada

- Dhel Nazario

Isang bangkay ng lalaki ang sinasabing itinapon ng isang pampasaher­ong bus, at nadiskubre sa center island ng kalsada sa Parañaque City, kahapon ng madaling araw.

Kinilala ni SPO1 Rolly Iglesias, ng Parañaque City Police, ang biktimang si Ramil Legaspi, 42, residente sa S. Andres Street, Navotas City.

Ayon sa imbestigad­or, namatay ang biktima sanhi ng tinamong sugat sa ulo.

Sa inisyal na pagsisiyas­at, dakong 2:05 ng madaling araw at naghihinta­y ng masasakyan ang testigong taxi driver nang tawagin siya ng tambay na si alyas “William”.

Ipinaalam umano ni William sa testigo ang tungkol sa pagtatapon ng isang pampasaher­ong bus sa bangkay ng isang lalaki sa center island ng service road sa Roxas Boulevard northbound sa Barangay Baclaran.

Kaagad na ipinaalam ng dalawa sa pulisya at sa barangay ang insidente, at kaagad namang rumesponde ang mga awtoridad.

Sa pagsusuri ng Scene of the Crime Operations ( SOCO) ng Southern Police District ( SPD), nabatid na may sugat sa ulo ang biktima at narekober sa bulsa nito ang bus ticket ng Cavite Batangas Transport na may petsang Pebrero 3.

Wala namang nawawala sa gamit ni Legaspi, kabilang ang kanyang pera at cell phone.

Dinala ang labi ng biktima sa People’s Funeral Services para sa awtopsiya, habang nagpapatul­oy ang imbestigas­yon ng pulisya.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines