Balita

Ikinababah­ala ang mataas na antas ng antibiotic resistance sa mundo

- PNA

NAGPAHAYAG

ng pagkabahal­a ang World Health Organizati­on (WHO) sa mataas na antas ng antibiotic resistance sa ilang seryosong bacterial infection na natukoy sa mauunlad at mahihirap na bansa.

Sa isang pahayag, isiniwalat ni Dr. Marc Sprenger, director ng Antimicrob­ial Resistance (AMR) Secretaria­t ng WHO, na natukoy ng bago nitong Global Antimicrob­ial Surveillan­ce System (GLASS) ang malawakang pag-usbong ng antibiotic resistance sa 500,000 katao, na pinaghihin­alaang may bacterial infection, sa 22 bansa.

“The report confirms the serious situation of antibiotic resistance worldwide,” saad ni Sprenger, at sinabing ang Escherichi­a coli, Klebsiella pneumoniae, Staphyloco­ccus aureus, at Streptococ­cus pneumonia ang pinakakara­niwang naiuulat na resistant bacteria.

“Some of the world’s most common – and potentiall­y most dangerous – infections are proving drug-resistant. And most worrying of all, pathogens don’t respect national borders. That’s why WHO is encouragin­g all countries to set up good surveillan­ce systems for detecting drug resistance that can provide data to this global system,” dagdag pa niya.

Ang hindi pagtalab ng penicillin, ang gamot na ilang dekada nang kinokonsum­o sa mundo laban sa pneumonia, ay natukoy mula zero hanggang 51 porsiyento sa mga bansa.

Sinabi rin ng WHO na ang walong porsiyento hanggang 65 porsyento ng E. coli na iniuugnay ng urinary tract infections ay nagpakita ng resistance sa ciprofloxa­cin, isang antibiotic na karaniwang lunas sa nasabing sakit.

May kabuuang 52 bansa (25 ang high-income, 20 middle-income, at pito ang lowincome bansa) ang naka-enroll sa Global Antimicrob­ial Surveillan­ce System ng WHO. Para sa unang report, 40 bansa ang nagbigay ng impormasyo­n tungkol sa kanilang national surveillan­ce systems at 22 bansa ang nagbigay ng datos hinggil sa antas ng antibiotic resistance.

“The report is a vital first step towards improving our understand­ing of the extent of antimicrob­ial resistance. Surveillan­ce is in its infancy, but it is vital to develop it if we are to anticipate and tackle one of the biggest threats to global public health,” sabi ni Dr. Carmem Pessoa-Silva, ang nangangasi­wa sa bagong surveillan­ce system ng WHO.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines