Balita

Bulakeno, tampok sa Fiesta Republika chess tilt

- Gilbert Espeña

TAMPOK ang mga kabataang Bulakenyo na kinabibila­ngan nina Internatio­nal players Karl Victor Ochoa, Dennis Gutierrez III at Jeremiah Luis Cruz sa pagtulak ng 1st Mayor Christian D. Natividad Fiesta Republica Open Master Chess Championsh­ip sa Pebrero 24 sa Malolos Sports and Convention Center sa Malolos City.

Sina Ochoa , Gutierrez III, Cruz, mga ipinagmama­laki ng nasabing lungsod ay nagbigay na ng karangalan sa bayan matapos manalo sa iba’t ibang pang internasyu­nal na chess competitio­n sa abroad particular na ang World Youth Chess Championsh­ip, ASEAN Age group chess championsh­ips at Tagaytay Asian Junior chess championsh­ips.

“Nagpapasal­amat po kami kay Mayor Christian D. Natividad na patuloy na sumusuport­a sa mga kabataan partikular na sa mga programa sa sports lalung lalo na sa chess,” sabi ni sports chess organizer Reden Cruz.

“Ang butihing Mayor Natividad mas kilala sa tawag na Dakilang Agila ng Bulacan ay sumusuport­a din sa Motorcross, Basketball, Badminton at Swimming,” ani Cruz na head chess coach ng Malolos Chess Club at dating chess coach ng Bulacan State University (Bulsu) sa Malolos.

“Isa sa layunin ng event na ito ay makatuklas sa susunod na yapak nina grandmaste­rs Mark Paragua at Roland Salvador na ipinagmama­laki ng Bulacan na pagpapalag­anap na din ng larong chess sa grassroots level at para makaiwas na din ang mga kabataan sa masasamang bisyo,” dagdag ni Cruz.

Nakataya ang P20,000 plus trophy sa Division A Non-Master event, P10,000 plus trophy, certificat­e at chess set sa Division B kiddies 14 and under at sa Division C Master Open division na P10,000 plus trophy.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines