Balita

Jared Lao, bagong star ng NCAA

- Ni MARIVIC AWITAN LAO

MASUNDAN ang nagawa ng nakatatand­ang kapatid na si Jacob Lao na tulungang mabigyan ng kampeonato ang La Salle Greenhills sa NCAA ang hangad ng kanyang bunsong kapatid na si Frans Jared Lao.

“The plan is to win another championsh­ip for La Salle in the NCAA, “wika ng incoming Grade 12 guard na si Lao.

Bagama’t maituturin­g na isa sa pinakamali­it na manlalaro sa kanyang taas na 5-foot -6, marami ang pinahanga ng nagtapos na ng senior high school na si Jacob dahil sa kanyang ipinakitan­g tapang at tibay sa depensa na naging malaking bahagi para makamit ng Greenies ang kanilang unang NCAA juniors basketball crown noong nakaraang Season 93.

Ang nasabing katangian na walang sinisino sa depensa ang gustong gayahin ni Jared sa nakatakda niyang pagsalang sa darating na NCAA Season.

“I’ll try to do the same thing that he did lalo sa defense kasi yun yung specialty niya, “sambit ni Jared.

Tiwala naman ang kanyang kapatid na kaya niya ito dahil naniniwala syang mas magaling ito at malaki ang potensyal.

“Higitan niya yung nagawa ko sa team kasi mas malaki yung potensyal nya as I can see.To be honest mas magaling siya sa akin so gusto kong higitan niya yung nagawa I para tulungang mag champion ulit ang LSGH. “

Bagama’t hindi taglay ang tinatawag na “might” of taas na kadalasang nakikita sa mga basketball players sa height nitong 5-foot-10, naniniwala ang dating coach ng magkapatid na si Anton Brodett na malayo ang mararating ng dalawa sa kahit anong larangan na kanilang piliin dahil sa taglay nilang disiplina.

“They are fighters. Maybe lamang ang isa sa height but the thing is they pay attention sa details at makikita mo they really want to learn,” ani Brodett. “Jared’s very discipline­d. Regardless what they want to do after college they’ll do well because they ‘re very discipline­d. “

Dahil dito, isa si Lao sa inaasahang makakatulo­ng ng mga ace players ng Greenies ni coach Marvin Bienvenida para sa kanilang title -retention bid.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines