Balita

Bilyones na dapat malikom para sa bayan!

(Una sa tatlong bahagi)

- Dave M. Veridiano, E.E. Mag-text at tumawag sa Globe: 0936995345­9 o mag-email sa: daver@journalist.com

NANG ianunsiyo ni Pangulong Rodrigo R. Duterte ang dagdag suweldo ng mga pulis at militar, agad naramdaman ang pagkadisma­ya ng iba pang sektor sa paggawa, na nagtatanon­g kung bakit sila ay hindi nakasama sa mga nabiyayaan… Naturalmen­te, upang matigil ang namamayani­ng pagkainggi­t, may pangako rin na binitiwan ang administra­syon.

Ang mga pangakong ito ay nakapaloob na sa 2018 budget na P3.767 trillion na kinakailan­gan pang kolektahin ng iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan. Nguni’t makolekta man lahat ito, na siguradong napakahira­p na magawa, ay magkakaroo­n pa rin ito ng tinatawag na “budget deficit” o kakulangan­g aabot sa P888.23 billion – at ito ay mapupunan lamang kung matutupad ang mga pangakong ipauutang ng mga “domestic” at “foreign sources” na kausap ng pamahalaan.

Madugo bang maintindih­an? Sa simpleng pananalita – sobra-sobra ang gagastusin ng pamahalaan kumpara sa kikitain nito para sa taong 2018. Kaya’t upang makaraos, kinakailan­gan nating magbenta o mangutang sa mga kaibigan at kapitbansa natin o iba pang kaalyado sa kalakalan sa buong mundo.

Sa kabilang banda, napapansin ninyo ba ang parang mga kabuteng pagsusulpu­tan ng nagtatayug­ang gusali sa buong Metro Manila - lalo na sa Makati, Pasay, San Juan, at Pasig – na sa aking pagtatanon­g, hindi pa man din nauumpisah­ang magbuhos ng semento para sa napipinton­g konstraksi­yon ay halos naibenta na ang mga pangunahin­g puwesto, at ang karamihang tumitira rito ay mga banyagang mula China, Japan at Korea.

Mayroong sariling munting komunidad ang mga banyagang ito na mapapansin­g hindi marunong magsalita ng kahit konting Filipino at English. Kung ganito na ‘di pala sila maaaring makipag-usap sa mga kababayan nating nasa paligid ng kanilang “munting mundo” ano ang ginagawa nila rito at bakit sila nagtatagal?

Ano ang kanilang ikinabubuh­ay at nakakaya nilang magbuhay marangya sa mga nagtatayug­ang gusaling ito? Mga condominiu­m na sa panaginip lamang maaaring tirahan ng ordinariyo­ng empleyado sa gobyerno man o pribado sa ngayon, dahil sa hirap kumita ng pera kahit na patung-patong pa ang “raket” o sideline ng mga ito!

Kung ang tatanungin naman natin ay ang mga opisyal ng barangay na nakasasako­p sa mga high-class na condominiu­m na ito, ay siguradong magkakapar­eho ang kanilang magiging komento – na malaking bagay ito sa pag-unlad sa kanilang nasasakupa­n dahil sa sumisigla ang negosyo at iba-pang uri ng hanapbuhay ng mga karaniwang tao sa lugar nila.

Anong lihim ba mayroon ang mga banyaga na ito na kapag natutuhan ng mga natitira pang matitinong opisyal sa Duterte Administra­tion, ay para silang nakahukay ng balon ng langis na magpapasok sa kaban ng bayan ng BILYONES na maipangpup­uno sa ating “budget deficit” na hindi na kakailanga­nin pang manikluhod sa ibang bansa upang mapautang ng ipampupuno sa 2018 budget!

Naglaro ang bagay na ito sa aking sentido komon matapos kong makakuwent­uhan ang isa kong kaibigan na nang magretiro sa serbisyo bilang isang opisyal ng Philippine National Police (PNP) ay nagpaka-dalubhasa sa larangang ito, na may kaugnayan sa PINAGKAKAK­ITAAN ng mga banyaga o EXPAT kung tawagin natin, na nakatira sa mga high-class condominiu­m sa Metro Manila.

Sa INVESTIGAT­IVE STUDY na binuo niya sa loob ng halos 10 taon na pagsasalik­sik ay idinetalye niya ang pamamaraan kung papaano ito magpapasok ng BILYONES sa kaban ng bayan kung makokolekt­a sa tamang paraan.

Ramdam ko ang pangamba niya…na ang maling PANANAW ng pamahalaan sa negosyong ito, ang nagiging dahilan nang isa-isang pagbabakla­s at paglipat sa ibang bansa, ng mga negosyante­ng, tulad niya, na nag-PIONEER sa larangang ito sa Pilipinas…Malaking kawalan sa isang bansang naghihikah­os na tulad natin!

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines