Balita

Lovi, Max at Rhian, laugh trip sa taping

- --Nitz Miralles

ANG ganda ng nabuong friendship nina Lovi Poe, Max Collins at Rhian Ramos dahil sa The One That Got Away at makakasigu­ro ang fans ng tatlo na kahit tapos na ang sexy romcom series, magiging magkaibiga­n pa rin sila. Sila ang tipong gagawa ng paraan para magkita-kita just to drink coffee, joke around, exchange stories at magtsismis­an.

Kuwento nga ni Max, kung nagaaway-away man sila sa harap ng camera, iba ang nangyayari off-cam.

“Kapag break time, wala kaming ginawa kundi magkuwentu­han at magtawanan. Ang ingay namin at minsan, sinasaway na kami. Nahihiya nga kami kay Dennis ( Trillo) dahil tahimik siya at baka naiingayan. Hindi namin maiwasang tatlo na magtsikaha­n,” ani Max.

May posts si Lovi ng photos nilang tatlo na nagtatawan­an at ang caption, “Reel or real? When laughing on screen is not acting anymore... because these girls just crack me up every time! #TOTGA.”

Hindi lang silang tatlo ang naging close, pati sina Rhian at

Migo Adecer na gumaganap na brother ni Rhian sa TOTGA, close na rin. May video kaming napanood na nagdya-jamming sila ng rap song at pagkatapos, nagtawanan.

Nabanggit din ni Jason Abalos na madali niyang nakasundo ang three girls at nakakakuwe­ntuhan lalo na si Rhian dahil pareho silang mahilig sa car racing.

Matagal-tagal pa ang taping ng TOTGA, marami pang friendship ang mabubuo sa cast at hindi nakakagula­t kung pagdating ng last taping day, magkaiyaka­n sila.

Samantala, sa episode this Monday sa TOTGA, magsasanib­puwersa sina Alex (Lovi), Darcy (Max) at Zoe (Rhian) na pigilan ang kasal nina Liam (Dennis) at Chanel ( Sophie Albert). Riot ang eksena ng tatlo na darating sa kasal in black gown.

 ??  ?? Max, Migo, Lovi at Rhian
Max, Migo, Lovi at Rhian

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines