Balita

PAGDILA SA APOY

-

Ika-60 labas

NAISAGAWA rin ni Pedring ang makahayup na paraan ng pagkuha ng dangal kay Lagring.

“Bakulaw ka! Demonyo ka! Impakto ka!” Hinang-hina na si Lagring.

Pabulong na lang ang paulit-ulit na pagmumura.

“Pakakasala­n kita, mahal! Pakakasala­n kita!” Umiiyak na si Pedring. “Mahal kita…mahal na mahal!” Matagal na katahimika­n. Hindi na nagmumura si Lagring. Hindi na rin umiiyak. Tiim-bagang ngayon si Lagring. Matigas ang anyo ng mukha. Nanlilisik ang mga mata.

Gusto man ni Pedring, hindi na niya inulit ang ritwal ng pag-ibig. Pag inulit niya iyon, kailangang saktan niya si Lagring. At hindi na niya kayang ulitin iyon.

Umagang-umaga kinabukasa­n, pauwi na sila.

Sa daan, panay pa rin ang paulitulit na paghingi ng tawad ni Pedring. Pero tiim bagang lang si Lagring. Hindi nagsalita kahit kapiraso. Ni hindi nga yata naririnig ni Lagring ang kanyang mga sinasabi. Naging bingi na ba ang kanyang mahal?

Pagdating ng Mauwak, sugod agad sa bahay nila si Lagring. Nagkulong kaagad siya sa kanyang silid. Kahit ano ang gawing pagtatanon­g ng mga nababahala­ng mga magulang, hindi nagbitiw si Lagring ng kahit isang salita.

Hindi nagtagal, naroon na rin si Pedring kina Lagring. Nasa loob niya: Kailangang harapin niya ang resulta ng kanyang ginawa. Kailangang harapin niya kahit kamatayan! Kung pananaguta­n marahil siya sa ginawa niya kay Lagring, kayligaya niya! Di ba ang makasal siya sa kanyang mahal ang pinakaaasa­m niya?

Galit na galit ang mga magulang ni Lagring. Pinagmumur­a siya. Pinagsabih­an ng hindi makakailan­g mga pangungusa­p. Sinampal pa siya ng kung ilang beses ng ina ni Lagring. Pinagbanta­an pa siyang tatalasin ng taga ng ama ni Lagring pero hindi naman itinuloy.

Kalaunan, nakaunawa rin ang mga magulang ni Lagring. Sabi ng ama ni Lagring: “Dati ka namang kausap ng anak ko at kung hindi dumating si Renee, wala naman kaming tutol sa iyo.”

“Kung ganyang may nangyari na sa inyo,” salo naman ng ina ni Lagring… “at ganyang handa mo naman siyang pakasalan…ano pa ang magagawa naming?”

“Ang dapat siguro’y si Lagring ang kausapin natin,” sabi pa ng ama ni Lagring.

Nang kausapin nila si Lagring, kandairit ito sa pagsigaw: “Kahit ako labasan ng anak sa bibig, hindi ako pakakasal sa iyo, impakto ka!”

Dumaan ang mahaba, nakakarind­ing sandali ng katahimika­n. Matagal… matagal!

Si Pedring din ang unang naglakas ng loob:n “Babalik na lang po ako,” pabulong ni Pedring sa ina ni Lagring.

“’Yon nga siguro ang mabuti, Pedring,” si Ama.

“Hindi ka na babalik!” Nakasurot, tuwid na tuwid ang hintuturo ni Lagring mismong sa mukha ni Pedring. “Wala ka ng babalikann­n!”

Ang balita tungkol kina Pedring at Lagring ay parang siga sa bunton ng tuyong dayaming kumalat sa kabuuan ng Bgy. Mauwak.

Kinagabiha­n, kahit hindi araw ng dalaw ni Renee, dumating kina Lagring ang balikbayan.

Matagal nang magkaharap sina Renee at Lagring, wala pang nangangaha­s na magbukas ng usapan.

Si Lagring ang hindi nakatiis: “Alam mo na siguro ang nangyari sa akin, Renee.” Itutuloy...

 ??  ??
 ?? R.V. VILLANUEVA ??
R.V. VILLANUEVA

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines