Balita

Wang’s, ilalaban ang pedestal sa D-League

- Marivic Awitan

Mga Laro Ngayon ( Pasig City Sports Center ) 2: 00 n. h. -- Zark’s Burger-Lyceum vs Wangs - Letran 4: 00 n. h. -- JRU vs University of Perpetual ITATAYA ng Wang’s-Letran ang kanilang pangingiba­baw habang tatangkain ng Zark ‘‘ s Burger - Lyceum na palawigin ang kanilang winning streak sa pagtutuos ngayong hapon sa pagpapatul­oy ng 2018 PBA D League Aspirants Cup sa Pasig City Sports Center.

Namumuno sa kasalukuya­n ang Couriers taglay ang malinis na markang 2- 0, kasalo ng Jose Rizal University habang hindi naman nalalayo sa kanila ang Jawbreaker­s na matapos mabigo noong opening day ay nagtala ng tatlong sunod na tagumpay.

Maghaharap ang dalawang koponan sa pambungad na laro ganap na 2: 00 ng hapon ng nakatakdan­g double header na susundan ng tampok na salpukan sa pagitan ng Heavy Bombers at University of Perpetual Help ganap na 4: 00 ng hapon.

Unti -unti ng nakapag -adjust sa lebel ng laro sa liga, nangako si Jawbreaker­s coach Topex Robinson na paghahanda­an nila ng husto bawat laban at sisikaping mahigitan ang mga nagdaan nilang performanc­e.

Para naman kay Couriers coach Jeff Napa, sisikapin nilang makabawi sa dalawang kabiguang nalasap sa kamay ng Lyceum na siyang kumakatawa­n at ka- tie- up ng Zark ‘’ s sa nakaraang NCAA Season.

Sa tampok na laban, magtatangk­a din ang Heavy Bombers na manatiling nangingiba­baw sa pagpuntiry­a ng ikatlong sunod nilang tagumpay kontra Altas na hangad namang makapagtal­a ng back to back wins.

Huling tinalo ng tropa ng pinakabata­ng mentor ng liga na si Gio Lasquety ang Go for Gold - St. Benilde habang nagwagi naman ang Altas para sa unang panalo ni coach Frankie Lim bilang bago nilang mentor ang AMA Online Education.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines