Balita

AYAW I-REFUND

R3.5- B Dengvaxia ‘di babayaran ng Sanofi

- Ni MARY ANN SANTIAGO May ulat ni Beth Camia

Tinanggiha­n ng French pharmaceut­ical company na Sanofi Pasteur ang hiling ng Department of Health (DoH) na full refund sa P3.5 bilyon ipinambili ng pamahalaan ng Dengvaxia, para sa dengue immunizati­on campaign na isinagawa bago mag-eleksiyon noong 2016.

Sa isang liham na ipinadala ng Sanofi Pasteur sa DoH, tinanggiha­n nito ang hiling ni Health Secretary Francisco Duque III na isaulin ng kumpanya ang buong halaga na ibinayad ng pamahalaan para sa Dengvaxia, at suportahan ang isang indemnific­ation fund.

Ayon sa Sanofi, kung papayag sila sa kagustuhan ng DoH ay mistulang inamin na nila na hindi epektibo ang Dengvaxia.

Nanindigan din ang kumpanya na nakatulong ang bakuna upang mabawasan ang mga kaso ng dengue na naitatala sa bansa.

“Agreeing to refund the used doses of Dengvaxia would imply that the vaccine is ineffectiv­e, which is not the case,” saad sa pahayag ng Sanofi. “The data remains quite clear that, in absolute terms, dengue vaccinatio­n in the Philippine­s will provide a net reduction in dengue disease, including severe dengue and, thereby, reduce the overall public health burden associated with this disease.”

HUGAS-KAMAY

Sa isyu naman ng indemnific­ation fund, sinabi ng Sanofi na walang safety o quality concern sa Dengvaxia.

Inihalimba­wa pa nito ang findings ng lokal na eksperto ng PGH Dengue Investigat­ive Task Force na wala ang mga itong nakitang ebidensiya na direktang mag-uugnay sa Dengvaxia sa pagkamatay ng 14 na batang nabakunaha­n.

Sa kabila nito, tiniyak naman ng kumpanya na handa itong akuin ang responsibi­lidad kung mayroong sapat at credible na scientific evidence na magpapatun­ay na ang Dengvaxia ang naging sanhi ng malalang dengue sa mga nabakunaha­n.

Siniguro rin ng Sanofi Pasteur na patuloy silang makikipagt­ulungan sa mga awtoridad, kabilang na sa DoH at sa iba pang health at community organizati­ons, sa paghahanap ng pinakamain­am na solusyon para matuldukan ang pagkalat ng sakit.

Patunay na, anila, rito ang pagpayag nilang i-reimburse ng DoH ang halaga ng mga bakuna na hindi pa nagagamit.

Matatandaa­ng nagbigay na ang Sanofi sa DoH ng paunang refund na P1.16 bilyon para sa hindi nagamit na bakuna.

Nagbabala na rin naman si Duque na mapipilita­n silang gumawa ng legal na hakbangin kung tatanggi ang Sanofi sa full refund at sa pagkakaroo­n ng indemnific­ation fund.

KAKASUHAN NA

Kaugnay nito, inihayag ng Public Attorney’s Office (PAO) at Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) na magsasama ang mga ito ng unang civil case sa mga responsabl­e sa pagkamatay ng isang 10 taong gulang na babae, na naturukan ng Dengvaxia.

Posibleng pangunahan mismo ni PAO chief, Atty. Persida RuedaAcost­a ang paghahain ng kaso laban sa mga nanguna sa immunizati­on program ng pamahalaan, habang Kasong administra­tibo naman ang isasampa ng VACC.

Sinasabing namatay sa pagdurugo matapos maturukan ng Dengvaxia si Anjelica Pestilos, residente sa Quezon City.

Samantala, tuluy-tuloy lang umano ang PAO sa pagsasagaw­a ng awtopsiya sa mga batang sinasabing namatay matapos maturukan ng Dengvaxia.

Ayon kay Department of Justice (DoJ) Secretary Vitaliano Aguirre II, wala siyang planong ipahinto sa PAO at sa National Bureau of Investigat­ion (NBI) ang nasimulan nang imbestigas­yon sa kaso, kahit hiniling na ng ilang eksperto na ipahinto ito.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines