Balita

NPA vice commander sa ComVal, sumuko

- Ni MIKE U. CRISMUNDO

CAMP BANCASI, Butuan City - Boluntaryo­ng sumuko sa militar ang isang umano’y vice commander ng Communist Party of the Philippine­sNew People’s Army (CPP-NPA)Southern Mindanao Regional Committee (SMRC) nitong Sabado.

Ayon kay 71st Infantry (Kaibigan) Battalion commander Lt. Col. Esteveyn Ducusin, bukod sa vice commander, sumuko rin ang 11 iba pang mandirigma ng kilusan sa Purok 8, Barangay Nueva Visayas sa Mawab, Compostela Valley.

Nilinaw ni Ducusin na ang mga sumuko ay kaanib ng Sandatahan­g Yunit Pangpropag­anda ng Guerilla Front Committee 27 (FC 27) ng CPP-NPA.

Hindi muna ibinunyag ng militar ang pagkakakil­anlan ng mga ito para na rin sa kanilang seguridad.

Sinabi ni Ducusin na isinasaila­lim nila sa debriefing ang mga naturang rebelde.

Nitong nakaraang linggo, aabot din sa walong miyembro ng NPA, na kaanib naman ng guerilla-Front Committee 2, SRC 2 ng CPP-NPA-SMRC, ang sumuko rin sa kaparehong military unit.

Isinuko rin nila ang mga subersibon­g dokumento, kabilang ang mga reading materials na may titulong “100 Taon Rebolusyon­g Oktubre”, iba’t ibang bala, at isang cell phone, kung saan nakarecord ang mga high-intelligen­ce value informatio­n.

“The significan­t number of NPAs who surrendere­d almost every day is a manifestat­ion that some NPA terrorists are already tired and because of this we continue our focused military operation to hunt down remaining communist terrorists who continue their violent acts against our constituen­ts,” pagdidiin pa ni Ducusin Kaugnay nito, ibinunyag ng pulisya sa Agusan del Norte na nananatili­ng banta pa rin sa kapayapaan at kaayusan ang pananatili ng NPA sa lalawigan.

Paliwanag ni Supt. Ometer, deputy director for operations ng

Agusan del Norte Police Provincial Office (PPO), nagagambal­a ang mga negosyo sa kapatagan, gayundin ang mga residente sa kanayunan sa pagmamalup­it ng mga rebelde.

Aniya, tinalakay din nila ang usapin sa mga opisyal at miyembro ng Provincial Advisory Council (PAC) nitong Biyernes.

Tinukoy din ni Ometer na nakapagsag­awa na sila ng siyam na combat operations laban sa NPA, habang aabot naman sa 726 na combat security patrols ang isinagawa ng pulisya, lalo na sa mga liblib at bulubunduk­ing lugar sa lalawigan.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines