Balita

Ekonomiya ng Albay, apektado na

- Aaron Recuenco at Ellalyn De Vera-Ruiz

LEGAZPI CITY - Hinikayat ng mga disaster management official ang mga pribadong indibiduwa­l at mga nongovernm­ent organizati­on na bumili ng kanilang mga donasyon sa mismong Albay, upang makatulong na iangat ang ekonomiya ng probinsiya.

Sinabi ni Cedric Daep, pinuno ng Albay Public Safety and Emergency Management Office (APSEMO), na ang daloy ng pera sa probinsiya ay labis nang naaapektuh­an sa pagsabog ng Bulkang Mayon.

“We encourage them to buy the donations here instead of bringing in the materials they want to donate,” ani Daep.

Ipinaliwan­ag ni Daep na mahigit 5,000 magsasaka ang kasalukuya­ng naaapektuh­an ng pagsabog ng bulkan simula nang pumutok nitong Enero 15—na nangangahu­lugang ganitong bilang na rin ang nawalan ng kakayahang bumili ng kanilang mga pangangail­angan.

Sa kasalukuya­n, bilang resulta, nahihirapa­n ang mga negosyante na ibenta ang kanilang mga produkto at serbisyo.

Sa kasamaang-palad, binigyan ng Philippine Institute of Volcanolog­y and Seismology ang mga disaster official ng dalawa hanggang tatlo pang buwan, bago tuluyang kumalma ang Mayon.

“With that long period, we really need to do something to avert scenario of the province suffering from financial difficulti­es because in the end, it is the locals here who will suffer,” saad ni Daep.

Tinatayang P30 milyon ang ilalaan ng Department of Labor and Employment ( DoLE) para sa cash-for-work na target ang mga bakwit.

Gayunman, ang daloy ng pera sa Albay ay muling naisasabuh­ay sa pamamagita­n ng turismo, dahil sa pagdagsa ng mga lokal at dayuhang turista na tumitigil at gumagastos sa probinsiya.

Samantala, nagbabadya na namang magbuga ng lava at usok ang bulkan sa loob ng 24 oras.

Inihayag ng Phivolcs na dalawang beses nagbuga ng lava ang Mayon nitong Linggo, 500-meter at 550-meter ang taas ng abo bandang 10:38 ng umaga at 1:52 gabi.

Nananatili pa rin sa alert level 4 ang bulkan.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines