Balita

Hamon ni Marcos kay Robredo ‘bluff’ lang –Macalintal

- Raymund F. Antonio

Patuloy na nagtuturua­n ang kampo ni Vice President Leni Robredo at ng kanyang karibal na si dating senador Ferdinand Marcos Jr. kaugnay sa recount ng mga balota.

Sinabi ni Romulo Macalintal, abogado ni Robredo, na ang hamon ni Marcos sa Vice President na iurong ang lahat ng kanilang mosyon sa Presidenti­al Electoral Tribunal ay “bluff” at “diversiona­ry tactic” lamang.

Pinanindig­an ng beteranong abogado na walang nakabiting mosyon si Robredo sa Supreme Court, na tumatayo bilang PET.

“His challenge is actually a clear manifestat­ion that he regrets and lacks confidence in the would be results of the recount,” ani Macalintal sa isang pahayag.

“It is his diversiona­ry tactic to avoid the great embarrassm­ent and humiliatio­n he would suffer once the people know that Marcos’ claimed bombshell of evidence would turn out to be a dud,” dagdag niya.

Kumpiyansa at nakatitiya­k siya na hindi babaguhin ng vote recount ang resulta ng 2016 vice presidenti­al race.

Isinantabi naman ng isa pang abogado ni Robredo na si Maria Bernadette Sardillo, ang posibilida­d ng paglalagda sa joint motion kasama si Marcos o pag-urong sa lahat ng kanilang mosyon sa PET.

Ayon kay Sardillo, si Marcos ang naghain ng “frivolous motions after the other to no end but delay the case.”

Ayon sa tagapagsal­ita ni Marcos, ang abogadong si Vic Rodriguez, umaasa silang lalagda si Robredo sa joint motion na mag-uurong sa lahat ng outstandin­g motions para makadirets­o na sa recount.

“The ballots are the best evidence and we should just proceed with the recount,” aniya.

Ngunit ayon kay Sardillo ang hamon ni Marcos para iurong nila ang kanilang mosyon ay “pure PR” lamang.

Inaakusaha­n ni Marcos si Robredo ng pandaraya sa vice presidenti­al race matapos siyang matalo sa 260,000 sa boto.

Paulit-ulit na itinatangg­i ni Robredo ang mga alegasyon.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines