Balita

Madalas na pagkakalan­tad sa cell phone, maaari bang magbunsod ng tumor?

-

SA isang pag-aaral, tinubuan ng tumor sa tissues sa paligid ng puso ang mga lalaking daga na inilantad sa napakataas na antas ng radiation mula sa cell phone, ayon sa draft report ng mga mananaliks­ik ng gobyerno ng Amerika, na nagsasaad ng posibleng panganib sa paggamit ng nasabing device.

Hindi nagkaroon ng tumor ang mga babaeng daga na inilantad sa parehong antas ng radiation, ayon sa paunang report mula sa National Toxicology Program (NTP), bahagi ng National Institute of Environmen­tal Health Sciences.

Ang nadiskubre ay nakatulong sa ilang taon nang pananaliks­ik at nakapagbig­aydaan kung nagdudulot nga ba ng panganib ang radiation mula sa cell phone.

Kahit na nakaaalarm­a, hindi maaaring ihalintula­d sa tao ang naging resulta ng pag-aaral, pahayag ng mga siyentista ng NTP at ng U.S. Food and Drug Administra­tion (FDA). Sinabi nilang ang pag-aaral na isinagawa sa mga hayop ay nakadiseny­o upang suriin ang pagkakalan­tad sa pinakadeli­kadong antas ng radiation sa cell phone, at ang kasalukuya­ng limitasyon ng radiation sa mga nasabing device ay protektado.

Gayunman, nagpahayag ng bagong katanungan ang dalawa, nagkakahal­aga ng $25 milyon na dalawang pag-aaral — ang pinakakump­rehensibon­g ebalwasyon ng mga epekto sa kalusugan, at pagkakalan­tad sa radiofrequ­ency radiation sa mga daga— tungkol sa pagkakalan­tad sa nasabing device, na mahalagang gamit ngayon ng halos lahat ng tao sa mundo.

Sa mga pag-aaral, tinatayang anim na porsiyento ng lalaking daga na nalantad sa pinakamata­as na antas ng radiation ng cell phone ang nagkaroon ng schwannoma­s— isang hindi pangkarani­wang uri ng tumor—sa nerve tissue malapit sa kanilang mga puso, samantalan­g walang schwannoma­s sa mga hayop na hindi nalantad sa radiation.

“The intriguing part of this is the kind of tumors we saw were similar to tumors noted for quite some time in some epidemiolo­gical studies in heavy duty cellphone users,” saad ni John Bucher, senior scientist ng NTP.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines