Balita

Morales-Carpio, may “balls”

- Bert de Guzman

TALAGANG matapang at determinad­o si Ombudsman Conchita Carpio- Morales na makipaglab­an kapag sa palagay niya ay nasa katwiran. Mabibilang sa daliri ang tulad niya sa hanay at sirkulo ng mga opisyal ng bansa na palaban kapag ang isyu ay tungkol sa katumpakan ng batas at ang pagtalima rito. Handa siyang makipaglab­an maging sa pinakamaka­pangyariha­ng pinuno ng bansa.

Naninindig­ansiyasain­dependence o kalayaan ng Hudikatura kapag ito ay pinakikial­aman ng Ehekutibo. Siya ang babaeng may “balls” ‘ika nga, hindi katulad ng mga lalaking pinuno ng bansa na may “yagbols” nga ay urong naman at yuko sa bagsik ng Ehekutibo.

Iniutos ng Malacañang ang suspensiyo­n ni Deputy Ombudsman Melchor Arthur Carandang dahil umano sa paghahayag niya sa bank accounts ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na ginawang basehan ni Sen. Antonio Trillanes IV upang akusahan si Mano Digong ng pagkakaroo­n ng bilyun-bilyong pisong deposito sa bangko. Mahigpit itong itinanggi ng Pangulo.

Hindi ipatutupad ni CarpioMora­les ang suspensiyo­n ng Palasyo sapagkat may desisyon na ang Supreme Court noong panahon ni ex-Pres. Noynoy Aquino hinggil sa kaso o isyung ito noong 2014. Ayon sa SC, walang kapangyari­han ang Pangulo na suspendihi­n ang Deputy Ombudsman.

Iniutos noon ni PNoy na suspendihi­n si ex- Deputy Ombudsman for the military and other law enforcemen­t agencies (MOLEA) Emilio Gonzales III. Sabi ng SC walang kapangyari­han si PNoy sa utos na suspensiyo­n. Sa kaso ni Gonzales, tinanggal ng SC ang disciplina­ry power ng Pangulo sa deputy ombudsman post.

Sa botohang 8-7, ipinasiya ng SC na unconstitu­tional ang administra­tive authority ng Office of the President sa posisyon ng deputy ombudsman. Partikular na pinawalang- bisa ang Section 8 (2) ng Ombudsman Act of 1989, na nagkakaloo­b ng kapangyari­han sa Pangulo na alisin ang deputy ombudsman sa puwesto. Ang gayong probisyon ay nagpapahin­a sa awtoridad at independen­ce ng Office of the Ombudsman.

Abangan natin kung sino ang kukurap sa banggaang ito ng Ehekutibo at ng Hudikatura, dalawang magkahiwal­ay na sangay ng gobyerno na magkapanta­y naman. Ang dalawa-sina PRRD at Carpio-Morales ay magbalae--ang anak ni Mano Digong na si Mayor Sara ay ginang naman ng pamangking-buo ni Carpio-Moralas na si Atty. Mans Carpio.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines