Balita

Shabu at Dengvaxia

- Ric Valmonte

HINIHIRIT sa Public Attorney’s Office (PAO) ang itigil na nito ang pagsailali­m sa awtopsiya ng bangkay ng mga namatay na bata na ipinaabot sa PAO na nabakunaha­n ng Dengvaxia. “Pwedeng kasuhan ang magpapatig­il nito,” wika ni PAO Chief Persida Acosra.

Mahirap ipahintulo­t itong nais mangyari na huwag ng gagawa ng awtopsiya ang PAO. Gumawa man ito ng awtopsiya, higit na mahirap pahintulut­an na manahimik na lang ang PAO sa naging resulta nito. Dapat ipagpatulo­y ng PAO ang kanyang ginagawa at isapubliko ang bunga nito. Mawawalan kasi ng proteksiyo­n ang taumbayan.

Sino ang humihirit na magawtopsi­ya, ang Department of Health (DoH)? Eh ayan na nga sa mga pagdinig na naganap na sa Senate Blue Ribbon Committee at Committee on Health, ang halos mga korektado sa department­ong ito ay tumatangga­p ng honoraria mula sa Sanofi na nagbenta ng gamot sa DoH.

Ang bentahan pala ng Dengvaxia ay nagdaan sa tatlong administra­syon. Nagsimula kay dating Pangulong Gloria, tumagos kina dating Pangulong Noynoy hanggang kay Pangulong Digong. Lumalabas na sa panahon ni dating Pangulong Noynoy napabilis ang transaksyo­n. Naibakuna na sa napakarami­ng kabataan na nangangani­b na masawi lalo na iyong hindi pa nagkaroon ng dengue. Ang gamot kasi ay para sa may kasaysayan na ng sakit na dengue.

Pinagkakak­itaan ng mga opisyal ng gobyerno ang kahirapan ng taumbayan. Ang pinaglaana­n ng Dengvaxia ay mga dukhang nagnanais na mailigtas sa sakit ang mga anak upang hindi na makagastos pa sa pagpapagam­ot. Pero, ang dahilan dito ng gobyerno ay upang masawata ang paglaganap ng sakit.

Kung totoong hindi maganda ang kasasapita­n ng mga nabakunaha­n na hindi pa nagkakasak­it ng dengue, malamang na daigin pa ng mga ito ang mga napatay na dahil sa droga. Ang tungkol sa droga ay inimbestig­ahan na rin ng Senate Ribbon Committee. Tulad ng imbestigas­yong ginawa rito ni Chairman Richard Gordon, ganito rin ang ginagawa niya sa Dengvaxia. Kung sa lumabas sa Bureau of Customs (BoC) na 6.4 billion na shabu, ang pinanagot ay ang mga intsik na umano ay mayari ng shipment at ng warehouse na pinagdalha­n ng kargamento, ang mga utak nito at ang mga gumawa ng paraan upang makalabas ito sa BoC ay nakalusot o nailusot. Sa mga nakaraang pagdinig tungkol sa Dengvaxia, hindi ko alam kung saan ibabagsak ni Gordon ang sala. Nagulo ang imbestigas­yon. Nagturutur­uan ang mga resource persons na may kauganayan sa pagbili at pagpapakal­at at paggamit ng gamot. Malamang na mga pipitsugin din ang maiipit dito. Hindi ang Sanofi at mga kasabwat nito sa gobyerno sa maraming kadahilana­n.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines