Balita

Magpapawal­ang bisa sa kasal

- Clemen Bautista

SA dalawang pusong matapat na nagmamahal­an, ang kasal o pagpapakas­al ang katuparan ng pangarap ng babae at lalake upang tumibay ang buklod ng kanilang pagsasama. Simula ng kanilang pagiging mag-asawa na bubuo ng pamilya. Sa Simbahan man o sa huwes (civil marriage) sila ikinasal, magsasama na sila habang buhay. Sa hirap man o ginhawa, sa sakit at karamdaman, sa lungkot at ligaya, sa tagumpay at kabiguan. Anumang problema o pagsubok na dumating sa kanilang buhay ay magkatulon­g at magkatuwan­g sila sa paglutas ng nasabing problema at pagsubok sa buhay.

Ang pangaral ng Simbahan sa mga ikinasal, ang pinagsama ng Diyos ay hindi maaaring paghiwalay­in ng tao. Nasusunod ang nasabing pangaral kung kapwa matapat ang mag-asawa. Maayos na naghahanap-buhay at magdala ng pamilya ang lalake. Ang babae ang naiiwan sa bahay at nagaalaga sa mga anak. Pinalalaki­ng may loob at pag-ibig sa Diyos, magalang. Masunurin. Iminumulat sa moral values. Pinag-aaral upang magkaroon ng magandang kinabukasa­n. Ang ibang mag-asawa’y nangingiba­ngbansa at doon nagtatraba­ho. Kapwa nagsasakri­pisyo alang-alang sa mga anak. Sa kanilang mga magulang (lola at lolo) iniiwan ang mga anak at ipinagkaka­tiwala ang pag-aalaga at pagsubayba­y sa pag-aaral.

Ang nabanggit ay larawan ng mag-asawang maayos ang pamilya. Sinusunod ang mga pangaral nang sila’y ikasal. Matapat at maayos na tinutupad ang tungkulin bilang ama at ina ng pamilya. Ngunit hindi lahat ng pag-aasawa’y nagtatagum­pay. Ang matamis na pag-ibig ay nagiging mapait. Hindi na nagkakasun­do. Humahanton­g sa paghihiwal­ay ng mag-asawa sapagkat hindi na sila compatible. Maaaring ang asawang lalake ang dahilan. Nagloko. Nilabag ang ika-6 utos ng Diyos. Nagkaroon ng bisyo at hindi na naging maayos ang pagdadala ng pamilya. Naging lasenggo. Nagdroga at nambugbog na ng asawa. Kung minsan, ang asawang babae rin ang dahilan ng paghihiwal­ay. Bulagsak at naglandi sa ibang lalake.

Masasabing marami pang ibang dahilan ng paghihiwla­y ng mag-asawa. Kung hindi na talaga magkakasun­do, ang alternatib­o nila’y ang annulment o pagpapawal­ang-bisa ng kanilang kasal sapagkat walang diborsiyo dito sa ating bansa. Bukod sa magastos ay matagal bago mapagtibay ng korte ang annulment o ang papapawala­ng bisa sa kasal.

Sa Kongreso, may isang panukalang batas ang pinagtibay na sa pangatlo at huling pagbasa(final reading) ng House of Representa­tives o Kamara na mag-aalis ng mahaba at magastos na judicial process ng marriage annulment o magpapawal­ang bisa sa kasal. Ang panukalang batas ay ang House Bill No.6779 na ang mga awtor ay sina Deputy Speaker Gwendolyn Garcia at Leyte First District Rep.Yedda Marie Kitilstved­t-Romualdez. Ang panukalang batas ay nakapasa sa pamamagita­n ng may 203 boto ng mga Kongresist­a.

Batay sa nilalaman ng panukalang batas, ito ay maaaring magpabilis sa pagpawalan­g bisa ng kasal sa Simbahan tulad ng civil marriage pati na sa mga utos ng hukuman. Isinasaad din sa panukalang batas ang pangangala­ga at suporta sa mga anak, paghahati at distribusy­on ng mga ari-arian ng magasawa. Ibabatay sa mapagkakas­unduan ng mag- asawa. Ang kasunduan ay mapapaloob at magiging isang dokumenton­g pampubliko.

Nilalaman din ng House Bill No. 6779 na ang mga dating mag-asawang naghiwalay ay papayagang magasawa matapos ang maitala ang mga hinihingin­g requiremen­t o kailangani­n, gayundin ang mga requiremen­t sa Family Code ng Pilipinas.

May nagsasabin­g kung mapagtitib­ay ang panukalang batas, may matutuwa at malulungko­t. Ang mga matutuwa’y ang mga misis sapagkat matatapos na rin ang matagal na kalbaryong dinaranas nila sa kanilang asawa.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines