Balita

Roxanne at Will, best friends na lang

- Ni JIMI ESCALA

SA finale presscon ng Wildflower kinumpirma ni Roxanne Barcelo na hiwalay na sila ni Will Devaughn.

Ayon kay Roxanne, last December pa nila tinapos ni Will ang apat na taong relasyon nila. Ayaw magbigay ng detalye ng isa sa mga kontrabida sa nasabing serye sa naging dahilan ng break-up nila.

Nag-umpisa lang daw sa maliit na bagay na nagkapatun­g-patong at hindi na nila namalayang lumaki na pala ang isyu.

“Four years na kami. Four and a half to be exact. For me, it was the best relationsh­ip I’ve ever been in, and he is the best man I’ve ever met, but at some point we fell apart,” kuwento ng dalaga.

Paano ba nag-umpisa ang gusot nila at sino sa kanilang dalawa ang dapat na sisihin?

“Wala namang dapat sisihin. I mean, hindi kami nag-blame ng isa’t isa, hindi na kami dumating sa puntong ‘yun. It was more of, admittedly, we both have different paths na we want to grow independen­tly and individual­ly,” sabi ng mahusay na aktres.

Kaya kahit nauwi sila sa hiwalayan, in good terms pa rin sila. Napanaliti pa rin nila ang pagiging magkaibiga­n. Nakapag-usap pa rin sila, pero wala nang romantic ties.

“Alam naming pareho ni Will na andu’n ‘yung pagiging best friends pa rin namin until now. So, if you see us out, its not because we’re still romantic with each other, but we’re really going back to the friendship. Binabalik lang namin kung ano kami noon, bago naging kami,” kuwento ni Roxanne.

May kinalaman kaya sa hiwalayan nila ang sinasabing naging financiall­y dependent sa kanya ang dating boyfriend? May nagsasabi pang pera raw ang dahilan ng break-up nila, totoo ba?

“That’s not true,” mabilis na sagot ng dalaga.

“Sa totoo lang, eh, he’s very financiall­y stable. Kahit itanong n’yo sa mga nakakakila­la sa kanya. Hindi lang naman siya visible sa showbiz as much, but he’s also into fashion. He will be signing with another network very soon. He’s very much stable as a foreigner in the Philippine­s,” pagtatangg­ol ni Roxanne sa dating karelasyon.

Kaya ba nakikita siya na may ka-date nang ibang cute guy?

“Well, single tayo ngayon, wala namang isyu kung magkaroon ako ng ka-date. But at this point in time, I’m not ready to commit muna. If in a few months, I feel different... Hopefully mabuhay ulit. I’m taking in love, but I cannot give love yet,” banggit ng dalaga.

Aminado si Roxanne na may pag-asa pang magkabalik­an sila ni Devaughn.

“You never know. Ayoko tuldukan, but at the same time I really want to focus on making myself happy and whole, by myself muna,” pagtatapos ng isa sa mga dahilan kung bakit napanatili ng Wildflower ang mataas na rating.

 ??  ?? Roxanne
Roxanne

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines