Balita

Ibyang,‘bangus’ sa kulungan

- Ni REGGEE BONOAN

“MAY bilanggo bang blooming at nangingint­ab ang kutis sa kaputian at mamuma-mula pa? Parang bagong facial lagi.” Ito ang natatawang komento kay Sylvia Sanchez habang pinapanood sa iWantTV ang Hanggang Saan.

‘Kaaliw nga si Ibyang, ang kinis-kinis na inihalo sa mga babaeng bilanggo. So, kaya pala tinawag na ‘bangus’ at pinagiinit­an ng mga kakosa. Naku, kasalanan ng Beautederm kaya naggo-glow ang kutis ni Sylvia.

Kung sa totoong buhay, malamang na ganito rin ang mangyayari kay Sylvia sa kulungan, pag-iinitan siya at dudumihan ang kutis niya kasi nga naiiba siya sa kanila.

Pero ‘sakto lang, dahil may kaibigan talaga si Sylvia sa Amerika na ang tawag sa isa’t isa ay ’kosa’. Itinanong nga namin kung bakit iyon ang tawagan nila, e, hindi naman sila nakakulong. Anyway, ipinakita sa teaser ng Hanggang Saan na topnotcher sa bar exam si Paco ( Arjo

Atayde) kaya tuwang-tuwa si Sonya (Sylvia) dahil sulit ang lahat ng paghihirap niya para paaralin ang anak. Nagkaroon na rin siya ng pag-asa na muling makakasama ang mga anak kapag napatunaya­ng hindi siya ang totoong bumaril kay Mr. Lamoste ( Eric

Quizon) base sa autopsy report. Sa episode na ipinalabas nitong nakaraang Biyernes, nagpapaala­manan na sina Paco (Arjo) at Anna ( Sue Ramirez) dahil mangingiba­ng bansa ang huli kasama ang inang si Jean ( Teresa Loyzaga) para magpagamot. Hayun, todo iyakan ang magsing-irog.

Sa pagkawala ni Anna, malamang na matuloy na ang naudlot na pag- iibigan nina Paco (Arjo) at Atty. Georgette ( Maxene

Medina). ‘Yan ay kung hindi itutuloy ng huli ang pagre-resign sa Vega Law Office dahil hindi pa rin nakaka- move on ang abogada. Samantala, nakita ni Yaya Letty ( Ces

Quesada) na may itinatagon­g baril si Jacob ( Ariel Rivera) na ipinagtaka nito. Ang alam namin ay nakita ring itinapon ng huli ang baril sa ilog.

Sana maisip ni Yaya Letty na ito ang baril na hinahanap nina Paco (Arjo) bilang ebidensiya na hindi si Sonya (Sylvia) ang bumaril kay Mr. Lamoste ( Eric). Ang tanong, hanggang saan at kailan siya mananahimi­k?

Abangan ang kapana- panabik na kuwento sa Hanggang Saan tuwing hapon sa ABS-CBN pagkatapos ng Asintado.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines