Balita

Direk Perci, bilib sa kahusayan nina Elmo at Janella

- Ni LITO MAÑAGO

NILINAW

ni Direk Perci Intalan na hindi musical ang Valentine release ng Regal Entertainm­ent na My Fairy Tail Love Story kundi straight love story.

“Actually, hindi. Nu’ng nag-take over ako, may isang scene na pinalitan ko kasi ‘yung song narinig ko. Merong fan si Janella na nag- suggest ng kanta. Pinakingga­n ko, nagustuhan ko sobra ‘yung kanta, so ‘yun ‘yung Be My Fairytale. Hindi pa sikat ‘yung kanta, although kay Moira ( de la

Torre) ‘yan ah, dinefend ko kay Roselle ( Monteverde), nagustuhan din ni Roselle ‘tapos in-adjust na namin ‘yung mga eksena kaya nagkaroon ng musical parts na wala sa original,” kuwento ng former TV5 executive, now a fulltime movie director and producer.

“I would say, mga 10 or 20 percent lang,” dagdag eksplinasy­on ni Direk Perci. “Hindi naman ito full- load musical. Magugulat na lang ‘yung tao kasi may mga part na kumakanta siya. Kanta na... kasi nu’ng naging sirena siya, kumakanta na siya, eh. Pero wala kaming song talaga until I heard Be My Fairytale.”

Sinalo ni Direk Perci ang pagdidirih­e ng My Fairy Tail Love Story mula kay Direk Jun Lana nang maging busy ito sa iba pang mga proyekto ng The Idea First Company. “Hindi ako nahirapan kasi nu’ng nagsoshoot na ito sa Zambales with Jun, sumama ako. Kaya medyo alam ko... ‘tsaka nu’ng ginagawa ‘yung script nito last year, ako ‘yung ka-brainstorm ni Jun kasi sabi niya gusto raw niyang gumawa ng sirena na movie ‘tapos gusto niya mala-Disney, mala-D so ako ‘yung parang nagbigay ng suggestion­s,” sug wika ni Direk Perci. “Kaya finally finall nu’ng nagkakapro­blema sa schedule, may danger na hindi pa matuluy- ma tuloy, tul nu’ng nag-usap na kami ka na parang pa ako ‘yung ‘y sasalo parang p mas ma madali na a kasi kabisado a ko o na ‘yung material m a ‘tapos ‘tap p nu’ng sa akin aak kasi dikit-dikit di k i na ‘ yung shooting s h days, d eh. So once nagstart s ako, medyo m nakahabol nak na ako ng momentum.” momm Wa W la silang na- encounter na problema sa location. Nilinaw din niyang hindi nakialam ang nanay ni Janella Salvador habang ginagawa nila ang pelikula.

“Hindi naman nagpunta si Jenine ( Desiderio) at all. Wala akong naging problema. Ang problema lang naming major, schedule talaga,” paglilinaw ng partner ni Direk Jun.

Napakagand­a ng komento ni Direk Perci sa akting ng ElNella love team.

“Alam mo, ang galing nila,” sambit niya. “Ang committed nila. Kapag napanood ninyo ang pelikula, doon sa mga underwater scene kasi ang lalim ng sisid ni Janella. Wala siyang takot na... talagang hanggang sa ilalim ang punta niya.”

“The whole time na si Janella nagsisiren­a, itong si Elmo kasi nagtrainin­g din siya, ang test ko diyan, eh, nu’ng nasa gitna kami ng tubig puwede silang bumalik sa boat kaso matatagala­n. So, instead na bumalik, naka-floater lang sila roon, nakababad kaya nga nangitim si Janella. Buong araw, nasa tubig. Ang galing. Walang kiyeme. Walang kaartearte,” lahat ni Direk Perci.

Ang My Fairy Tail Love Story ay mula sa Regal Entertainm­ent at nakatakdan­g ipalalabas sa February 14. Kasama rin sa pelikula sina Kiko Estrada, Kiray Celis at maraming iba pa.

 ??  ?? Elmo at Janella Direk Perci
Elmo at Janella Direk Perci

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines