Balita

Uma Thurman, idinetalye ang sexual assault ni Harvey Weinstein

-

INAKUSAHAN ni Uma Thurman ang movie producer na si Harvey Weinstein ng sexually assault sa isang hotel sa London nang magkatraba­ho sila sa 1994 hit film na Pulp Fiction.

Sa New York Times article na inilabas nitong Linggo ng kolumnista­ng si Maureen Dowd, binasag ni Uma ang pananahimi­k. Sinabi niya noong Oktubre na maghihinta­y siya ng tamang pagkakatao­n para magsalita tungkol sa inappropri­ate behavior in the workplace dahil ayaw niyang magbitaw ng anumang pahayag kapag galit.

Si Uma ang huli sa mahigit 70 kababaihan na nag-aakusa ng sexual misconduct laban sa 65-anyos na si Weinstein, kabilang ang rape. Sinabi ng abogado ni Weinstein nitong Sabado na kaagad humingi ng paumanhin ang producer kay Uma sa ginawang “awkward pass” sa aktres 25 taon na ang nakalilipa­s, ngunit hindi totoo ang mga ga bintang nito ng physical assault.

Sa artikulo ng Times, s, sinabi ni Uma, 47, na itinulak siyang ng pahiga ni Weinstein nang makipagkit­a kita siya sa suite nito sa Savoy Hotel sa a London.

“He tried to shove himself mself on me. He tried to expose himself. f. He did all kinds of unpleasant things. gs. But he didn’t actually put his back ack into it and force me,” ani Uma sa pahayagan.

Nang hingan ng karagdagan­g komento ng Reuters, sinabi ng kinatawan ni Uma na nasabi na ang lahat ng dapat sabihin sa artikulo sa Times. Sinabi ng abogado ni Weinstein na si Ben Brafman, na nagulat at nalungkot ang producer sa hindi totoong mga alegasyon mula sa isang tao na naging malapit na katrabaho sa loob ng mahigit dalawang dekada. “Mr Weinstein acknowledg­es making an awkward pass at Ms Thurman 25 years ago which he regrets and immediatel­y apologized for,” saad sa pahayag ni Brafman. “Why Ms Thurman would wait 25 years to publicly discuss this incident and why according to Weinstein, she would embellish what really happened to include false accusation­s of attempted physical assault is a mystery to Weinstein and his attorneys.” Sinabi ni Brafman na ang mga pahayag ni Uma sa Times ay maingat nilang sinusuri at iniimbesti­gahan “before befo deciding whether any legal action against her would be appropriat­e.” ap Bukod Bu sa pagganap sa Pulp Fiction ng direktor na si Quentin Tarantino, Tarant nagbida rin si Uma sa dalawang dalawa Kill Bill action series nito, na prinodyus prino ng Miramax studio ni Wein Weinstein at kumita ng mahigit $ $3 330 million sa global box offices.

 ??  ?? Uma
Uma

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines