Balita

Lady Gaga, kinansela ang 10 European shows

-

DAHIL sa malubhang sakit ay napilitan si Lady Gaga na kanselahin ang sampung show sa European leg ng kanyang Joanne concert tour. Sinabi ng singer at ng kanyang team nitong Sabado, ilang buwan niyang ipagpapali­ban ang mga pagtatangh­al sa Europe dahil sa iniindang karamdaman.

Nauna nang sinabi ni Lady Gaga, na ang ilan sa mga pinasikat na awitin ay ang Bad

Romance at Born This Way, na mayroon siyang fibromyalg­ia, isang musculoske­letal pain disorder na madalas na may kasamang pagkahapo at cognitive difficulti­es.

Sa pahayag na ipinaskil sa Twitter at Instagram pages ni Lady Gaga ay hindi binanggit ang fibromyalg­ia ngunit sinabing nagpasya ang 31-anyos na singer na kanselahin ang shows matapos konsultahi­n ang kanyang medical team.

“Unfortunat­ely, Lady Gaga is suffering from severe pain that has materially impacted her ability to perform live,” saad sa pahayag. Sa kasamang statement sa social media, sinabi ni Lady Gaga labis niyang ikinalulun­gkot ang pagkansela sa shows, na kabibilang­an ng mga pagtatangh­al sa London, Zurich, Stockholm, Paris at Berlin. “I promise I will be back in your city, but for now, I need to put myself and my well- being first,” aniya. Ang Joanne tour, ipinangala­n sa rock-style album ng singer na inilabas noong 2016, ay itinataguy­od ng Live Nation Entertainm­ent Inc. Nagsimula siyang magtour noong Agosto 1 sa Vancouver, Canada, ang una sa mahigit 40 shows niya sa North America. Noong Setyembre, sinabi ni Lady Gaga na dahil sa matinding kirot, kinailanga­n niyang ipagpaliba­n ang European leg ng tour, na orihinal na itinakda noong Setyembre 21 sa Barcelona, Spain. Nang panahong iyon, nag-post siya ng mga litrato sa online na nakahiga sa ospital at may drip sa kamay. Ang European shows ay iniresched­ule sa unang bahagi ng taong ito.

Noong Enero 14, nagtanghal si Lady Gaga sa Barcelona at nagpatuloy sa Italy, Netherland­s at Germany. Ang huling concert niya ay nitong Huwebes ng gabi sa Birmingham, England.

Si Lady Gaga ay pang-14 sa listahan ng top-grossing concert tours of 2017 ng music industry trade publicatio­n na

Pollstar, na mayroong sales na umaabot sa $86 milyon mula sa kanyang shows sa North America.

Naospital ang singer noong 2013 dahil sa hip injury, at sa documentar­y na

Lady Gaga: Five Foot Two, ibinunyag niya ang kanyang struggles sa chronic pain.

 ??  ?? Lady Gaga
Lady Gaga

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines