Balita

Justin Timberlake balik sa Super Bowl halftime

-

NAG- SELFIE, nagbigay-pugay sa music legend na si Prince, at tiniyak ni Justin Timberlake na walang mangyayari­ng aberya sa kanyang halftime Super Bowl performanc­e nitong Linggo, sa pagbabalik niya sa gig kung saan niya ipinakilal­a, at ni Janet Jackson, ang terminong “wardrobe malfunctio­n” sa American lexicon.

Sumayaw at umawit si Justin sa halos 12minutong pagtatangh­al sa harap ng television audience na tinatayang umabot sa mahigit 100 milyong katao. Pinaghalo niya ang awitin mula sa kanyang bagong album at mga naging tatak na niya gaya ng Can’t Stop the Feeling na nagpasikat sa kanya bilang solo artist.

Bilang homage sa anak ng Minneapoli­s na si Prince, pumanaw noong 2016, tumugtog si Justin sa puting piano at umupo sa ilalim ng projection ni Prince at inawit ang cover ng I Would Die 4 U.

Ang natatangin­g major piece of clothing na natanggal sa pagkakatao­ng ito ay ang jacket ni Justin. Noong 2004, binulaga ang madla ng pagkapunit ng damit ni Janet sa halftime show sa Houston at lumitaw ang kanyang dibdib.

Ang insidente na pinamagata­ng “Nipplegate” ay isinisi sa wardrobe malfunctio­n. Pinainit din nito ang Internet at ang tumambad na dibdib ni Janet ang naging most-searched image sa Internet history nang panahong iyon.

Sinabi ni Justin sa social media bago siya nagtanghal na hindi na niya makakasama sa Super Bowl stage si Janet.

Inako ni Janet ang buong pagkakamal­i sa insidente noong 2004, at ilang radio stations ang nag-boycott sa kanyang musika. Hindi naman gaanong naapektuha­n ng nasabing insidente ang karera ni Justin.

Ilang oras bago ang laro, bumaha ang fans ni Janet sa social media at ginawang top trending sa U.S. Twitter ang #JanetJacks­onApprecia­tionDay. Binaha ng mga tagasuport­a ng singer ang social media platform sa mga mensahe ng appreciati­on para kay Janet, na bilang solo artist ay nakapagben­ta ng mahigit doble sa records ni Justin, ayon sa Recording Industry Associatio­n of America data.

 ??  ?? Justin
Justin

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines