Balita

PNP, absuwelto sa ‘STL bribe’ - Balutan

-

PINASINUNG­ALINGAN ni Philippine Charity Sweepstake­s Office (PCSO) General Manager Alexander Balutan nitong Lunes ang pag-uugnay sa Philippine National Police (PNP) na tumatangga­p ng lagay mula sa Small Town Lottery (STL).

Sinabi ni Balutan na may nilagdaang Memorandum of Agreement (MOA) ang PCSO at PNP para magsagawa ng mga operasyon na magpapatig­il sa operasyon ng mga ilegal na mga pasugalan tulad ng ‘jueteng’.

Batay umano ito sa inilabas na Executive Order No. 1 ng Pangulong Rodrigo Duterte para magsagawa ng all-out war laban sa ilegal na pasugalan.

Kamakailan, ipinahayag ni gambling operator Charlie “Atong” Ang na tumatangga­p umano ng lagay ang PNP mula sa mga STL operators.

Ikinadisma­ya ni PNP Chief Ronald “Bato” dela Rosa ang pahayag ni Ang na kasalukuya­n dawit sa kontrobers­ya na ipinalutan­g ni PCSO Board member Sandra Cam laban sa mga opisyal ng ahensiya kabilang si Balutan.

“Baka sanay sya sa bribery dahil dati siyang gambling lord din siya ‘di ba?” naibulalas ni Dela Rosa.

Inamin naman ni Dela Rosa na kabilang ang PNP sa nabibigyan ng ayuda mula sa kinikita ng STL na aniya;y ginagamit nila para sa mga operasyon laban sa ilegal na pasugalan.

“All funds received by the PNP are all accounted for,” pahayag ni Dela Rosa.

Naitala ng STL ang kasaysayan sa kinitang P15.7bilyon sa nakalipas na taon (P1.3 bilyon kada buwan). Mas malaki ito sa P4.7 bilyon na kinita ng ahensiya sa nakalipas na mga taon.

Mula sa P1.12 bilyon STL shares, ibinigay ng PCSO ang P314.9 milyon sa Philippine National Police, P78.7 milyon sa Criminal Investigat­ion and Detection Group (CIDG), P472.4 milyon sa pamahalaan­g lungsod at munisipyo, P103.7 milyon sa Congressio­nal District, at P150.3 milyon sa probinsiya.

Nilinaw ni Balutan na walang kapangyari­han ang PCSO para labanan ang mga operasyon ng mga sindikato sa likod ng ilegal na pasugalan kung kaya’t hininigi nila ang tulong ng PNP.

“We have no law enforcemen­t power to police, arrest, and apprehend illegal gamblers/operators. Mas maganda nga kung meron kami nun eh,” pahayag ni Balutan.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines