Balita

Final Four, asam ng Perpetual belles

- Marivic Awitan

Mga Laro Ngayon (Filoil Flying V Centre) 9:30 n.u. -- LPU vs JRU (Men) 11:00 n.u. -- LPU vs JRU (Women) 12:30 n.h. -- UPHSD vs CSB (Women) 2:00 n,h. -- UPHSD vs CSB (Men)

PORMAL na makausad sa Final Four ang pupuntirya­hin ng University of Perpetual Help sa pakikipagt­uos sa College of St. Benilde sa tampok na women’s match ngayon sa NCAA Season 93 volleyball tournament sa Fil Oil Flying V Centre sa San Juan.

Nasa ikatlong posisyon hawak ang barahang 6-2, tatangkain ng Lady Altas na makamit ang ikapitong panalo na pormal na magsusulon­g sa kanila sa susunod na round kasama ng mga naunang semifinali­sts Arellano University Lady Chiefs at San Beda College Lady Red Spikers.

Taglay ang markang 5-3, kapantay ng Jose Rizal University na sasabak sa unang women’s match ganap na 11:00 ng umaga kontra Lyceum of the Philippine­s University, kailangan ng Lady Blazers ng panalo upang patuloy na buhayin ang tsansa nilang makausad sa susunod na round.

Kung magwawagi parehas ang Lady Bombers at ang Lady Blazers, magkakaroo­n ng three-way tie sa third spot sa barahang 6-3.

Magkakaroo­n ng playoffs sa pagitan ng tatlong koponan para alamin kung sino ang dalawang koponang uusad ng semifinals para makatungga­li ng dalawang twice -to -beat squads na Lady Chiefs at Lady Red Spikers.

Ngunit, kung kapwa naman matatalo ang JRU at ang CSB babagsak sila sa barahang 5-4, katabla ng San Sebastian College.

Pormal na uusad ang Perpetual bilang ikatlong semifinali­st habang pag -aagawan ng St. Benilde at SSC Lady Stags ang pang -4 at huling final four berth sa pamamagita­n ng playoff.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines