Balita

Visayas prelims ng PSC-Pacquiao Cup

- Ni ANNIE ABAD

BAGO CITY -- Patuloy ang pakitang gilas ang mga batang boksingero sa kanilang pagsabak sa huling araw ng Preliminar­y round sa Visayas leg ng Philippine Sports Commission (PSC)-Pacquiao Amateur Boxing Cup nitong weekend sa Manuel Y. Torres Memorial gym.

Kabuuang pito sa 10 laban ang naitala sa referee-stop-contest kabilang ang panalo ni Michael Adolfo ng Cadiz City, Negros Occidental laban kay Rolyn Agravante ng Sipalay City sa Boys light flyweight.

Ganito rin ang kinahantun­gan ng labanan sa pagitan nina Geniel Alit ng Victoria City Negros Occidental at Steven Jasper Canon ng Maasin City, Cebu sa boys flyweight. Nagwagi ang una sa RSC decision may 1: 05 sa ikalawang round.

Kasunod nito,nagwagi si Nel Tambanillo ng Bago City kontra Jovan Molleno ng Calbayog Leyte sa RSC sa huling 51 segundo ng second round, habang si Renz Lee Teves ng Bayawan Negros (Boys flyweight) sa huling 2:58 ng 1st round kontra kay Robert Porras ng Himamaylan, Negros Occidental.

Si Johnro Taneo naman ng Cebu City Sports Institute ay nagwagi para sa Boys flyweight kontra kay Edward Ruis ng Mucia Negros Occidental sa huling 2:42 ng laban, habang si Mark Alob naman ng Cadiz ay nagwagi sa huling 2:59 ng round 2 para sa boys flyweight kontra naman kay Darwin Enterado ng Sipalay Negros.

Nagwagi si Herlan Gomez ng Victoria City sa Boys Bantamweig­ht sa huling 2:58 ng round 3 kontra kay Charly Sumugat ng Bayawan Negros.Si John Paul Gabunelas ng Cebu city naman man ay nagwagi kontra kay Rudni udni Camani ng Bayawan Negros. ros.

Unanimous ous decision deci s i o n naman ang naging aging resulta ng labanan sa pagitan nina Limbert Cainap ng Cebu kontra kay Elmar Douma ng Don on Salvador Benedicto ng Negros kung saan nagwagi gi ang una para sa Boys flyweight yweight at si Jhorhe Pasculado ado nman ng Omega Negros s ay nagwagi kontra kay Jereme ereme Puig ng Sipinid Boxing oxing Club ng Bago City para sa Boys bantamweig­ht. t

Ang mga nagwagi sa visayas preliminar­y minary ay aakyat para sa quarterfin­al round ng naturang rang torneo na gaganapin n sa Naga, Cebu City sa Pebrero 2425.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines