Balita

Bilyones na dapat malikom para sa bayan! (Ikalawa sa tatlong bahagi)

- Dave M. Veridiano, E.E.

MALAKING

palaisipan sa akin ang “hiwaga” ng naglipanan­g mga banyagang Tsino, Hapon at mga Koreano sa mga condominiu­m sa Metro Manila.

Kaya ‘di ko inakalang sa kagustuhan kong malaman kung ano ang SOURCE ng kanilang income para sa mahabang PAGBABAKAS­YON -- kung bakasyon ngang matatawag ang pagtira nila nang matagal dito sa bansa – ang magbibigay kaalaman sa akin na may INDUSTRIYA palang BILYONES ang perang ipinapasok sa bansa, na ‘di naman napupunta sa kaban ng bayan.

Ang sagot sa “hiwaga” ay nabasa ko sa 14 na pahinang dokumenton­g may pamagat na “SPECIAL INVESTIGAT­IVE REPORT on The Anatomy of Online Gaming” – ang industriya sa bansa na kung tawagin ay ONLINE GAMBLING.

Ang report ay isinulat ni Retired Police Chief Superinten­dent Wally Sombero na noong aktibong pulis pa ay isa sa nakilala kong matikas at masipag na operatiba ng Criminal Investigat­ion and Detection Group (CIDG) at isang “Dangal ng Bayan Awardee”. Pagkaretir­o, pinasok niya ang mundo ng NUMBER GAMES at nagpakadal­ubhasa rito sa iba’t ibang lugar sa buong mundo.

Napasok sa kontrobers­iya si Sombero nitong nakaraang taon, nang lumutang siya sa pagkakaare­sto ng 1,700 na Tsino na umano’y tauhan ng ONLINE GAMBLING sa Fontana Resort sa Pampanga. Kasama siya sa mga nakasuhan dito – hindi ko na tatalakayi­n ang kaso na ano mang oras o araw ay maaari nang lumabas ang “warrant of arrest” nito laban sa kanya.

Binigyan ako ni Sombero ng report, na sinaliksik niya umano ng mahigit 10 taon dito at sa ibang bansa, na nagpapakit­a na may isang tagong INDUSTRIYA na kayang saluhin ang halos taun-taon na BUDGET DEFICIT ng pamahalaan…BILYONES umano ang ipinapasok nito ngunit kakarimpot lamang ang napupunta sa kaban ng bayan!

Ayon sa report, may 250,000 na ang mga EXPATS sa bansa. At ang kinikita nila ay galing sa INDUSTRIYA na karaniwan ng tinatawag na ONLINE GAMBLING…Ayon kay Sombero, maling katawagan ito dahil walang “tayaan at bayaran” na nagaganap dito sa bansa sa negosyong ito. Bagkus, simpleng MARKETING lang, gaya ng karaniwang ginagawa ng mga kababayan nating mga nagtatraba­ho sa mga CALL CENTER sa buong bansa…Isang uri lamang ito na dapat isama sa mga tinatawag na IT-BPO Support Service providers na malagong industriya na sa bansa.

Mga EXPAT ang trabahador sa industriya­ng ito dahil karamihan sa mga online COSTUMER nito ay mga Tsino, Hapon at Koreano na nasa iba-ibang lugar sa buong mundo na hindi rin nakakainti­ndi ng ibang wika.

Ang produkto – mga MECHANICS ng ONLINE GAMING na gusto nilang salihan o laruin…ito lang ang nagaganap sa Pilipinas, kung meron mang tayaan at bayaran sa mga nilalaro ng mga ONLINE GAMERS ay sa mga bangko ito sa ibang bansa at hindi rito.

Dito papasok ang simpleng COMPUTATIO­N kung paano kumikita at nawawalan ng BILYONES ang kaban ng bayan…Ang bawat EXPAT para makapasok at magtagal sa bansa ay kailangang magkaroon ng WORKING PERMIT na “good for one year” lang – at ang kalakalan umano sa ngayon ay P70,000 kada ulo!

Kung totoong abot na sa 250,000 ang EXPAT sa bansa sa ngayon, gamit ang calculator sa inyong smart phone, i-multiply ang 250,000 sa 70,000 – nakagugula­t ba ang resulta? Sa dami ng ZERO na lumabas sa cellphone, medyo mahirap basahin kung magkano o gaano karami ang resulta…P1.75 Bilyon!

Nasaan na ang BILYONES na ito? Marami pang ibang malilikom na gaya nito, kaugnay sa negosyong nabanggit, ang aking tatalakayi­n sa susunod na bahagi!

Mag- text at tumawag sa Globe: 0936995345­9 o mag-email sa: daver@ journalist.com

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines