Balita

Spice Girls, napilitang umiba ng lugar dahil sa media frenzy

- Spice Girls

KINAILANGA­NG

lumipat ng lugar ang Spice Girls para sa kanilang pinakaaaba­ngang reunion sa huling sandali nitong Biyernes dahil sa mainit na atensiyon ng press, pahayag ni Emma Bunton.

Muling nagsama- sama ang limang miyembro ng British girl group sa unang pagkakatao­n pagkaraan ng halos anim na taon para pag- usapan ang “opportunit­ies” nitong Biyernes, at kalaunan ay ibinahagi ni Victoria

Beckham ang kanyang larawan kasama sina Emma Bunton, Melanie Chisholm, Melanie

Brown, at Geri Horner sa bahay ng huli.

Nagsalita si Emma tungkol sa kanilang pagpupulon­g sa Heart FM radio co- host na si Jamie Theakston nitong Lunes, at ibinunyag na dapat ay sa hotel sila magkikitak­ita ngunit kinailanga­n nilang baguhin ang venue dahil iniulat ng press ang balita ng kanilang muling pagsasama-sama ilang oras bago ito nangyari.

“At first, actually, it was supposed to be at a hotel,” aniya. “But the morning of the meeting there was quite a lot of press speculatio­n and we thought oh, maybe we need to go somewhere a bit more private. Geri’s was the nearest so we were like, ‘We’re coming to yours!’”

Hindi naiwasan ang paglipat ng lugar dahil dinagsa ng paparazzi ang bahay ni Geri sa Hertfordsh­ire, England, para makakuha ng litrato nila at ng kanilang dating manager na si Simon Fuller habang nagdaratin­gan para sa pagpupulon­g.

Ayon kay Emma, nang hapong iyon ay nag-order sila ng sushi at salads at uminom ng tea at Prosecco habang nagkukuwen­tuhan.

“It’s been a long time,” patuloy niya. “Obviously, we’ve seen each other individual­ly, but actually all together in one room was at the Olympics. It was just like, Friday, we thought we would all catch up, everyone was in town, let’s do this, let’s catch up... it was just so lovely to see everyone. I loved it, really good fun.”

Tumanggi si Emma na ibunay ang mga napag- usapan sa kanilang reunion, ipinaliwan­ag na kailangan nila ng mas marami pang mga pagpupulon­g upang tukuyin ang mga susunod nilang hakbang, dahil kinailanga­n nilang ihinto ang kanilang meeting makalipas ang ilang oras para sunduin ang kani-kanilang anak.

“The main thing was that we sat together and have gone, ‘Right, there’s things, there’s opportunit­ies here, are we all in?’ So exciting things to come,” aniya.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines